UMABOT sa 22 kooperatiba ang nanalo sa taong ito base sa pamantayan ng Villar SIPAG Awards on Poverty Reduction dahil napabuti nila ang kalidad ng pamumuhay ng kanilang mga kasapi lalo yaong nasa kanayunan.
Tumanggap ang bawat awardee ng P250,000 cash mula sa Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG).
Ang mga kasapi ng Villar Family na sina dating Senate President Manny Villar, Sen. Cynthia Villar, Vista Land CEO Paolo Villar, Public Works Sec. Mark Villar, at Las Piñas Rep. Camille Villar ang nag-abot ng award sa mga kinatawan ng nanalong kooperatiba mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Dalawang kooperatiba ang binigyan ng special citation at pinagkalooban ng P150,000 bawat isa.
Ginanap ang awarding ceremony sa bagong pinasiyanan na The Tent sa Vista Global South, Las Piñas City.
Ang okasyon ay kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng dating Senate President na nagsilbi ring House of Representatives Speaker at Villar SIPAG founding chairman.
“The indispensable role of cooperatives in the realization of our people’s common aspiration especially in the rural areas should be recognized. Through this award that we give out yearly, we hope to be able to encourage them and provide support to their projects,” ayon kay Sen. Cynthia Villar, director of Villar SIPAG.
Isa sa awardee ang Kooperatibang Naton Multi-Purpose Cooperative na itinayo noong 2004, may 24 kasapi sa Iloilo at inisyal na capital na P7,000.
Nagsimula sila bilang tindahan na nagbebenta ng bigas at groceries sa kanilang church members.
Sa ngayon, mahigit 1,600 ang kanilang kasapi at ang kanilang asset ay mahigit P81 milyon.
Kabilang sa awardees ang mga kooperatiba na nagbigay ng suporta sa mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng murang pautang at iba pang tulong.
Ang mga nanalo sa SIPAG awards on poverty reduction para sa taong 2019 ay ang mga sumusunod: KILUS Foundation Environmental Multi-purpose Cooperative (Barangay Ugong, Pasig City); Margins, Church Social Enterprise (Manila); Pag asa ng Paglaya Multipurpose Cooperative (Poblacion, Muntinlupa City); Lagawe Multi-purpose Development Cooperative (LMDC) (Lagawe, Ifugao); Suyo Multi-purpose Cooperative (Suyo, Ilocos Sur); Alliance of Land Bank Assisted Cooperatives (ALBACOPA) Federation of Cooperatives (Sta. Maria, Pangasinan); Saint Joseph Multi-Purpose Cooperative-Belance (Dupax Del Norte, Nueva Viscaya);
Watch Life Workers Multi-purpose Cooperative (Mariveles, Bataan); Batangas Egg Producers Cooperative (BEPCO) (San Jose, Batangas); Shoreline Kabalikat sa Kaunlaran, Inc. (SKKI) (Naic, Cavite); Luntian Multi-purpose Cooperative (Tiaong, Quezon);
Entrepreneurs Alumni Development Cooperative (EADCOOP) (Daraga, Albay); Kooperatiba Naton Multi-Purpose Cooperative (Tigbauan, Iloilo); Association of Negros Producers, Inc. (Bacolod City, Negros Occidental); Abuyog Saint Francis Xavier Credit Cooperative (AFCCO) (Abuyog, Leyte); People’s Micro-Finance Corporation (Tumaga, Zamboanga City); Labason Multi-Purpose Cooperative (Zamboanga Del Norte); King Multi-Purpose Cooperative (Davao City);
Mangagoy Fishermen’s’ Multi-purpose Cooperative (Bislig, Surigao del Sur); Mantibungao Agrarian Beneficiaries Farmers’ Cooperative (MABFC) (Manolo Fortich, Bukidnon).
Tumanggap ng special awards ang Bigay Buhay (Building Lives) Multi-purpose Cooperative ng Novaliches, Quezon City; at Mansalay Farmers and Fishermen Multi-purpose Cooperative (MAFDECO) ng Roxas, Oriental Mindoro.
(NIÑO ACLAN)