Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Judy Ann Santos, Pinoy Pride sa pagkakapanalo ng Best Actress sa 41st Cairo Int’l Film Festival

TAONG 1995 nang manalo si Nora Aunor na Best Actress sa Cairo International Film Festival para sa mahusay na performance sa “The Flor Contemplacion Story.” After 24 years, sa hindi matatawarang pagganap sa character ng Muslim na si Saima Datupalo

para sa pelikulang “Mindanao” ni Direk Brillante Mendoza ay si Judy Ann Santos ang nakasungkit ng Best Actress award sa 41st Cairo Intl Film Festival na ginanap last November 29 sa Cairo, Egypt.

Tumanggap rin ang pelikula ng prize para sa best

artistic contribution. Bago nanalo ng major award si Juday ay naging successful ang world premieres ng Mindanao sa 24th Busan Int’l Film Festival sa Korea at sa 32nd Tokyo Intl Film Festival sa Japan.

Noong Nov 15 hanggang Dec 1 ay naging matagumpay din ang world premieres nito sa Estonian Film Festival o 23rd POFF Talinn Black Nights Film Festival na ipinalabas sa iba’t ibang venue tulad ng Kino Artis, Saal 1, Coca-Cola Plaza at Saal 7. Nakipag-compete rin ang nasabing film sa 25th Kolkata Int’l Film Festival sa India at 366 movies ang kasali rito sa 17 venues. Ang Mindanao ay Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB), mula sa panulat ni Honee Alipio. Malaking puntos sa pagiging actress ni Judy Ann ang pagkakapanalo niyang ito sa Cairo, lalo’t among our local actors ay silang dalawa lang ni Nora ang nakatanggap ng nasabing parangal.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …