Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lahat tayo ay patatawanin ng MMFF entry movie ni Coco Martin ngayong Pasko

Trailer pa lang ng “3pol Trobol Huli Ka Balbon” ni Coco Martin kasama si Jennylyn Mercado na leading lady niya sa movie at Ai Ai delas Alas ay kita mo na very entertaining and for all ages ang nasabing entry ni Coco sa Metro Manila Film Festival 2019.

Yes hindi lang hard action na nakasanayan na ng millions fans ni Coco ang mapapanood sa movie kundi all-out din sa comedy at kilig scenes ang actor. At kasama pa sa movie ang talk of the town na Yorme ng Maynila na si Isko Moreno plus Edu Manzano at mga katropa ni Cardo sa kanyang consistent number one show nation­wide na “FPJ’s Ang Probin­syano.”

Sa ganda ng pagkaka­direk ni Coco (Rodel Nacianceno) ay umani ng maraming views at positibong comments ang official trailer ng kanyang 3Pol Trobol Huli Ka Balbon.

Ilan sa mga kaabang-abang na eksena sa pelikula ay pag-aala Paloma ni Coco na nag-disguise para hindi makilala ng mga kalaban, napabintangan kasi siya sa krimeng hindi niya ginawa.

Aliw factor naman ‘yung hinalikan niya si Jennylyn habang naka-Paloma outfit na pabeking reaksiyon ng actress sa kiss ay may spark. Ang cute din ng eksena ng dalawa na si Jennylyn naman ang humalik kay Coco na biniro siya ng actor na mabilis siya at nagte-take advantage.

Nasusundan na talaga ni Coco ang yapak ng idolong si late Fernando Poe, Jr., na hindi lang mahusay na actor kundi movie director din. Mapapanood ninyo ang 3Pol Trobol sa December 25 sa maraming sinehan sa buong bansa at siguradong 101%  magpapasaya ito sa inyong Pasko!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …