Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Goodbye Star Magic! Kisses Delavin may bagong career sa Triple A Management at APT nina Rams David at Direk Mike Tuviera

Clueless ang lahat sa event na naganap noong Nov 8 sa Sequioa Hotel sa Timog na ipinatawag ng presidente ng Triple A Management (talent management arm of APT Entertainment) na si Sir Rams David.

Kaya lahat ng invited na entertainment press ay excited sa nasabing ganap na contract signing pala ng dating Star Magic talent na si Kisses Delavin na produkto ng PBB.

Well, sa paglipat ni Kisses ng talent management ay wala raw sinabihan na kahit sinong taga-ABS-CBN even Maymay Entrata. Bale four months daw ang naging pag-uusap nila ni Sir Rams at Direk Mike Tuviera kasama ng kanyang parents and finally ay nagkasundo ang bawat kampo kaya hayun pumirma na siya ng kontrata.

“I just wanted to explore more opportunities pero at the end of the day, I’m always thankful for everything that I achieved through the help of PBB (Pinoy Big Brother) where I started,” pahayag ni Kisses.

Si Marian Rivera raw ang malaking influence kung bakit siya nag-decide na subukang magpa-manage sa Triple A.

“Na-meet ko po si tito Rams through Ate Marian before. Nagkita po kami sa Guillermo Awards and then nagkita rin po kami sa fashion show. And ‘yun just felt that genuinely cares for me and naisipan ko po na maganda ‘yung APT,” sey ng magandang dalaga.

Sa pinirmahang contract ng nasabing young actress ay bibigyan siya agad ng pelikula sa APT Entertainment at hahanapan ng Triple A ng magagandang project sa GMA. Masarap mag-alaga ang Triple A ni Sir Tony Tuviera kaya’t siguradong magiging happy rito si Kisses na makakasama na sa naturang kuwadra ang idol na si Marian gayondin si Maine Mendoza.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …