Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tserman, batugan ka! — Isko

BATUGAN ka! Kung hindi ka batugan, namo­molitiko ka!”

Ito ang tahasang sinabi ni Manila Mayor Francisco  ”Isko Moreno” Domagoso sa kanyang capital report kaugnay sa mga barangay chairman na pasaway.

Partikular na tinukoy ng alkalde si Chairman Raul Marasigan ng Barangay 628 Zone 63 sakop ng Sta. Mesa, Maynila matapos siyang i-report ng netizen kaug­nay sa tambak na debris sa kanyang nasasakupan na hindi nililinis.

Sinabi ng alkalde, hindi ordinaryong basura ang nakatambak dahil mga debris na imposi­bleng hindi alam ng barangay upang ito ay mahakot o mai-report man lamang sa tangga­pan ng Department of Public Safety (DPS).

Patunay anang alkalde na pananabotahe ang ginagawa ni Mara­sigan lalo pa’t hindi niya kakampi upang pala­basin na walang ginaga­wa ang kasalukuyang gobyerno ng Maynila upang ang paninisi ay sa alkalde ng lungsod maipupukol.

“Di mo inire-report para ang tingin ng iba, ang bagong administrasyon ang mayor ng Maynila ang sisisihin at sasabihing walang kuwenta at walang ginagawa,” sambit ng alkalde tungkol kay Marasigan.

Dagdag ng alkalde, mayroon pang ibang tserman na pasaway tulad ni Chairman Nimpa Medalya ng Kagitingan, Tondo dahil umano sa kanyang pamomolitika dahil sa ginawang clearing operations sa kanyang nasasakupang barangay.

Kabilang din si Medalya sa 99 barangay chairmen na pinadalhan ng show cause order ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Paliwanag ng alkalde, isa sa pangunahing obligasyon ng mga inihalal na opisyal ng gobyerno ang panatilihing malinis, maayos, payapa at may kapanatagan sa lungsod kaya dapat maglingkod at gawin ang tungkulin bilang isang barangay chairman.

Sa huli, inirekomenda ng alkalde sa DILG na kapwa kasuhan ang mga pasaway na barangay chairman kasama sina Marasigan at Medalya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …