Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Radio manager at Remate tabloid stringer itinumba (Sa Tacurong City)

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang Mindanao-based radio station manager na si Benjie Caballero, limang beses binaril ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek dakong 1:15 pm, kahapon , 30 Oktubre, sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ang ulat ng pagkamatay ni Caballero ay inihayag ng Aninaw Productions sa kanilang social media page kasabay ng pagkondena sa pag-atake laban sa mga mamamahayag at bilang paninin­digan sa kalayaan sa pamamahayag.

Ang biktimang si Caballero, 38 anyos, ay sinabing acting station manager ng Radyo ni Juan FM at provincial stringer para sa Remate tabloid.

Napag-alaman na nanunungkulan din si Caballero bilang pangulo ng Sultan Kudarat Provincial Task Force on Media Security.

Sa ulat ng pulisya, naghihintay si Caballero ng masasakyan sa harap ng kaniyang bahay da­kong 1:00 pm nang lapitan at pagbabarilin ng isang lalaki.

Nabatid na naninirahan si Caballero sa isang boarding house sa Barangay New Isabela, sa naturang lungsod.

Ayon sa tricycle driver na nakasaksi sa insi­dente, limang beses pinaputukan ng isa sa mga suspek si Caballero.

Nang tumakas ang mga suspek, dinala ng ilang residente ang biktima sa isang lokal na ospital.

Naunang iniulat na nasa kritikal na kondisyon si Caballero sa isang ospital.

Sa isang social media post, ipinahayag ng executive director ng Pres­idential Task Force on Media Security (PTFoMS) na si Joel Egco, “I hope and pray you are okay my friend Benjie Caballero, we are on it.”

Dagdag ni Egco, may naka­usap siya mula sa pagamutang pinagdalhan kay Caballero at sinabing buhay ngunit nasa kritikal na kondisyon ang mamamahayag.

Sinabi ni Allan Freno, information officer ng lungsod ng Tacurong, labis na nagulat si Tacurong  Mayor Angelo Montilla nang malamang binaril si Caballero.

Ani Freno, angkas ng isang motorsiklo ang suspek na bumaril kay Caballero.

Sa tala ng lokal na pulisya, nakatanggap ng mga pagbabanta sa kaniyang buhay si Caballero bago ang pamamaril.

Pagtatapos ni Freno, dumalo pa sa ‘kapihan’ o news briefing ng pamahalaang lungsod si Caballero nitong Lunes, 28 Oktubre.

Magugunitang nitong 20 Oktubre, pinaslang ang kolumnista ng Remate na si Jupiter Gonzales sa tapat ng isang peryahan sa Arayat, Pampanga.

Ayon kay Egco, si Jupiter ay masugid na kritiko ng mga ilegal na pasugalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …