Thursday , December 26 2024

‘Wag bawasan, dagdagan… PGH P10-B budget iginiit ng All UP Workers Union

HINILING ng health workers ang P10-bilyong budget mula sa pama­ha­laang Duterte para sa Philippine General Hospital (PGH) sa isi­nagawa nilang piket sa bukana ng ospital, ka­ma­kalawa.

Isinaad ng All UP Workers Union-Manila, isang kinikilalang unyon ng rank and file na kawani ng pagamutan na makatuwiran ang hi­ni­hiniling nilang budget dahil makikinabang dito hindi lang ang health workers, kundi maging ang mga pasyente ng PGH.

Ayon kay Eliseo Estropigan, pangulo ng union, “The initial P10 billion budget demand for PGH would firstly help fund the upgrading of the hospital’s facilities as well as allow the purchase of additional equipment like ventilators and CT scans. Secondly, the budget would help alleviate the understaffing problem of PGH by hiring 300 additional nurses and 100 utility workers with per­manent position, implement a P30K entry salary for nurses and increase the minimum wage of other health workers to P16K and regularize all PGH contractual workers. Lastly, it would allow a P2.4 billion budget allocation for the hospital’s indigent patients.”

Dahil sa kakulangan ng mga ventilator na pag-aari ng PGH, naroon ang EQUILIFE Medical Equip­­ment Supplies and Services upang magpa­renta ng kanilang ventila­tor sa mga pasyente sa halagang P6,500 para sa tatlong araw na paggamit nito.

Isa itong halimbawa ng privatization ng isang serbisyong pangkalu­su­gan sa isang pagamutang pag-aari ng gobyerno.

Sa hindi bababang 3,000 pasyente kada araw, naantala na ang pag-iiskedyul ng Department of Out-Patient Section (DOPS) sa mga diagnostic pro­cedure at paglalabas ng resulta.

Umaabot nang halos dalawang buwan kada pasyente ang pila sa CT scan matapos matang­gap ng departamento ang request.

Samantala, binatikos ni Senador Ralph Recto ang pagbabawas ng P456-milyong budget ng PGH sa taong 2020.

Mula sa kasalu­ku­yang P3.2 bilyong bud­get, P2.8 bilyon lang ang ibibigay ng Department of Budget and Manage­ment (DBM) para sa PGH, na malayo sa operating budget nitong halos P5 bilyon.

Nakita sa General Appropriation Bill mula sa Kongreso na P200 milyon lang ang naibalik sa PGH.

“We are definitely for the improvement of PGH health service and therefore we are objecting to PGH budget-cut. This is a just call and therefore a death threat like what Dr. Gene Nisperos, President of the All UP Academic Employees Union-Manila had would not intimidate us to stop pushing for this well-grounded appeal. We demand an increase in the PGH budget because PGH is a nationally-acclaimed Ospital ng Bayan,” pag­ta­tapos ni Estropigan.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *