MAAARING i-takeover ng gobyerno ang operasyon ng ng tubig mula sa Maynilad at Manila Water kapag idinekla ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of emergency bunsod ng krisis sa tubig.
Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung sa tingin ng Pangulo ay kailangan mag-takeover ay gagampanan niya ang pangunahing tunkulin ng Pangulo na pagsilbihan at protektahan ang mga mamamayan mula sa mga sitwasyong mapanganib.
Nakasaad sa Section 17, Article XII sa 1987 Constitution “the state, in times of national emergency may temporarily takeover or direct the operation of any privately-owned public utility or business affected with public interest.”
Kamakalawa, inihayag ng Pangulo na gagamit siya ng ‘extraordinary powers’ para matugunan ang water shortage sa Kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan.
Sinabi ito ng Pangulo bilang tugon sa pagtutol ng iba’t ibang grupo sa pagtatayo ng China-funded Kaliwa Dam project sa Rizal at Quezon.
ni ROSE NOVENARIO