ANO ba ang criteria at guidelines ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival at hindi pumasa sa kanilang panlasa ang Isa Pang Bahaghari na pinagbibidahan nina Nora Aunor at Philip Salvador gayundin ang horror movie ni Maricel Soriano na The Heiress? Mas pinaboran pa ng MMFF ang mga pelikulang Culion at Write About Love, na sobrang nakaiinsulto naman sa parte ni Ate Guy na matagal na namayani noon sa nasabing pestibal.
Dekalidad at matino ang Isa Pang Bahaghari na sequel ng critically aclaimed na Rainbow’s Sunset na si Joel Lamangan din ang director, so bakit naetsapuwera ito sa ini-announce na apat na pelikula para sa 8 official entries sa MMFF ngayong taon. Saka all star cast ang pelikula at hindi tinipid ng Heavens Best Entertainment ni Harlene Bautista, kaya nakapagtatakang maligawak ito.
Ang The Heiress, naman, no offense meant to Carmina Villaroel’s movie na Sunod, ay mas magandang ‘di hamak ang movie ni Maricel Soriano at Janella Salvador. Sigaw tuloy ng ilang Noranians at Maricelians palakasan na raw ba ang labanan ngayon sa MMFF.
Ano sa palagay mo Mr. Noel Ferrer? May kasabihan na mapalad ang inaapi so baka kabugin pa ng dalawang pelikula sa takilya ang Culion at Write About Love.
Palabas sa November 27 ang The Heiress ng Regal Entertainment Inc.
Ang mga actor sa Wild Butterflies
Magmula nang ilabas ng director at film producer na si Direk Reyno Oposa sa kanyang official Facebook account ang teaser ng controversial pet project movie na Wild Butterflies (dating Midnight Butterflies) ay marami ng nagkainteres na mapasama sa cast.
So, mababago ‘yung original casting dahil may mga additional actor na join sa movie tulad ni BJ Kristoffer na pinalitan si Rex Antonio na magko-concentrate na sa pagpupulis. Ilan sa mga nadagdag ang Urduja Best Actress na si Elizabeth Luntayao, PETA actress na si Cilia Castillo (sister ni Direk Reyno in real life) at ilang stage actors. Tatlo sa mga bibida sa pelikula ay sina Kurt Harris, Lanz Valderama at Tonz Are.
Balak rin kumuha ni Direk Reyno ng malaking artista na bibigyan niya ng mahalagang role. At excited na ang kaibigan naming director at ang buong cast, sa naka-schedule nilang shooting ngayong November na lahat ng eksena ay kukunan sa Manila.
Sugod Bahay Winner Ann, napakasipag na maybahay
Sa isang pamilya napakahalaga ng pagtutulungan ng bawat isa, ‘yan ang ipinakita sa atin ng ating Sugod Bahay Winner na si Ann na tulad ng ibang working Moms ay ginagamit ang abilidad para makatulong sa kanyang asawa sa pagbebenta sa online kasabay ng pag-aalaga ng kanilang mga anak.
Ann: “Kung kaya ko pang magtrabaho ng isa pa, gagawin ko para sa mga anak at sa asawa ko. Ganon sila kahalaga kaya ‘yung mapapanalunan ko ay ilalaan ko sa pag-aaral pero magtatabi ako sa banko para pa rin sa kanila.”
O ‘di ba, hindi lang masipag si Ann, kundi alam niya kung saan niya ilalagay ang perang napanalunan sa Sugod Bahay. Umabot sa mahigit P100K ang ipinagkaloob na premyo ng Eat Bulaga sa nasabing winner.
Congratulations for winning Dabarkads Ann!
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma