Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
TIG-P.5-M INCENTIVE SA MGA KAMPEON NA BATANG MAYNILA. Nag-courtesy call kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang dalawang atletang kampeon na sina World Gymnastic gold medallist Carlos Yulo at Olympic-bound gold medallist pole vaulter Ernest “EJ” Obiena, kapwa lumaki sa Maynila, at pinagkalooban ng Manila City government ng P.5 milyong cash incentive dahil sa kanilang kabayanihan at karangalang iniuwi sa bansa. (BONG SON)

2 kampeon na Batang Maynila binigyan ng tig-P.5-M ni Isko (Incentive ni Yorme)

PINAGKALOOBAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ng tig-P500,000 cash incentives ang dala­wang atletang nakapag-uwi ng gold medal sa Filipinas.

Sina World Gymnastic gold medallist Carlos Yulo, isang batang Mani­lenyo, at Olympic-bound gold medallist pole vaulter Ernest “EJ” Obiena ay kapwa nagbi­gay galang kay Manila Mayor Isko Moreno.

Nagpasa ng reso­lusyon ang Sanguniang Panglungsod na nilag­daan ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna na nagbibigay ng pinaka­mataas na parangal bilang kauna-unahang Filipino World Champion sa larangan ng gym­nastics.

SI Yulo, tubong Leve­riza St., Malate, Maynila, ay produkto ng Aurora Quezon Elementary School at Adamson University sa Maynila.

“His interest in gymnastics was develop as he grew up watching Filipino gymnasts train and compete at the Rizal Memorial Sports Com­plex,” nakasaad sa re­solu­syon.

“A diminutive Mani­leño has carved a niche that signals the emergence of a powerhouse in the world of gymnastics that should inspire his countrymen,” ayon sa resolusyon.

Samantala, nagpasa rin ng resolusyon na kinikilala at binabati si Obiena sa kanyang pag­ka­panalo sa pole vaulting.

Nag-champion si Obiena at nakapag-uwi ng gintong medalya sa larong men’s pole vault event sa 30th Summer Universiade 2019 na nag­tatakda ng isang bagong pambansang talaan ng 5.76 metro upang maging kalipikado sa darating na Olympic event.

Si Obiena, tubong Tondo ay produkto ng Chiang Kai Shek College at University of Santo Tomas.

”[He] stood out among the 6,000 atheletes who competed in the 3oth Summer Universiade 2019 with 220 medal events in 18 sports categoris.

“He secured a berth in the 2020 Tokyo Summer Olympics by surpasing the qualifying standard by making a 5.81 meters finish in a tournament in Chiara, Italy in September 3, 2019,” saad sa resolu­syon ng City Council para kay Obiena.

Pinuri ng alkalde ang dalawang atleta sa ipinakita nilang husay at galing lalo pa’t mga produkto ng Maynila ang dalawang batang suma­bak sa nasabing palaro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …