Sunday , November 24 2024

Rush hour commute challenge ni Panelo abangan at bantayan

MARAMING ‘excited’ sa gagawing challenge ngayon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo — ang rush hour commute challenge.

Ito ay hamon sa kanya ng lider ng mga militanteng si Renato Reyes matapos niyang sabihin na wala pang krisis sa transportasyon kasi nakararating pa naman daw sa kanilang paroroonan ang mga pasahero.

Kaya hayan, hinamon si Panelo na sumakay ng jeep, LRT o MRT during rush hour para patunayan niyang wala pang krisis sa transportasyon.

Ang hamon, gawin niya nang walang bodyguard walang VIP treatment, walang hawi boys at during rush hour. At dapat din siyang pumila.

Kumasa naman si Secretary Panelo pero ayaw niyang sabihin kung paano niya gagawin. Nagboluntaryo pa ng ruta ang naghamon na si Nato Reyes. Basta sorpresa umano ang sabi ni Panelo.

Tumanggi naman si Transportation Secretary Art Tugade na lumahok sa challenge kasi nagko-commute naman daw talaga siya pero hindi niya umano kailangan ipagyabang o i-announce.

Kaya ngayong araw, dapat tindigan ni Panelo ang kanyang pahayag na wala pang krisis sa transportasyon.

Tingnan natin kung ano ang gagawin ni Panelo kapag naramdaman na niya ang narara­nasan ng mga pangkaraniwang mamamayan sa araw-araw.

‘Yung gumigising sila nang maaga, pipila sa sakayan ng jeep o UV Express at ganoon din sa LRT at MRT.

Sana, isama rin ni Secretary Panelo ang mga opisyal ng LRTA, MRT, LTO, at LTFRB, para maranasan  nila ang pagdurusang nararanasan ng mga mamamayan araw-araw.

Abangan natin mga suki, ang challenge nina Salvador at Renato.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *