Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel Locsin patuloy na panoorin sa huling linggo ng The General’s Daughter (Tunay na action drama queen)

ISA si Angel Locsin sa mga artista natin na kapag gumawa ng teleserye ay patok mula simula hanggang ending. Tulad ng “The General’s Daughter” na nasa last week na at tumagal nang nine months sa ere.

Napanindigan ni Angel ang ibinigay sa kanyang titulo na “Action Drama Queen” dahil nagawa niya ang mahihirap na eksena sa kanyang teleserye, at never siyang nagpa-double rito. Sa episode noong Biyernes ay matindi rin ang mga scene niya. Nakipagbarilan siya sa kalaban habang nakakapit sa likod ng truck.

Sa recent thanksgiving grand finale presscon ay pinuri ng entertainment press si Angel sa ipinakitang performances sa TV series. Nang tanungin siya kung ano ang susunod na aabangan sa kanya, “Ayusin ko muna ‘yung health ko ulit. Ang dami nang ibinagsak ko, magpapagaling po ulit ako and ayusin ko po ang kasal ko. I think ‘yun po ‘yung mas malaking challenge po na papasukin ko. And good luck na lang sa akin,” sey ni Angel na gusto uling makatrabaho ang co-major cast ng TGD.

“Ang babait at ang gagaling lahat ng co-stars ko. I will appreciate working with them again. Simula ngayong Lunes ay huling linggo nang mapapanood ang nasabing primetime series sa ABS-CBN at nagbiro pa ang isa sa director ng serye na si Manny Palo na matindi pa sa hazing ang mangyayari kay Tiago (Tirso Cruz III) sa kanilang finale episode ngayong Biyernes kaya sa lahat ng galit kay Tiago, watch n’yo ito.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …