Saturday , November 16 2024

Mister na pumalo ng martilyo sa ulo ni misis sumuko kay Mayor Isko

SUMUKO kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang lalaking live-in partner na namalo ng martilyo sa ulo ng babaeng empleyado ng Manila City Hall, kamakalawa ng gabi.

Sa Facebook live ni Moreno, mapapanood ang pagpunta ng kanyang grupo sa isang lugar sa Cavite bago 11:30 pm nitong Martes, 24 Setyembre.

Sumuko ang suspek na si Eric Capulong, 46, kinakasama ng biktimang si Connie Beldad, 39, at tauhan ng Manila Traffic ang Parking Bureau (MTPB).

Nagtago si Capulong sa bahay ng kapatid na babae pero kalaunan ay ipinarating sa alkalde ang pagnanais na sumuko.

Tiniyak ni Mayor Isko ang kaligtasan ni Capulong na dinala sa Manila Police District.

Ayon sa alkalde, mabuting sumuko ang suspek para maayos niyang maharap ang kaso ng pagpatay sa kanyang kinakasama.

Dagdag ni Moreno, tutulungan nila ang mga anak ng dalawa sa pamamagitan ng DSWD sa lungsod at magbi­bigay sila ng tulong pinansiyal sa pamilya ng biktima.

Lunes ng gabi nang makita ang duguang bangkay ni Beldad sa bahay nila ng suspek sa Tondo, Maynila.

Nakita sa lababo ng bahay ang martilyo na sinasabing ginamit sa pagpatay kay Beldad.

Kuha sa CCTV ng Barangay 145 sa Tondo ang pagtakas ni Capulong dala ang mga anak nila ng biktima.

Sinabing selos ang dahilan ng pagpaslang dahil inakusahan ni Capulong ang kinakasa­ma na may ibang lalaki.

Ayon sa ilang kapitbahay, narinig nilang nag-away ang dalawa at sumisigaw si Beldad na wala siyang lalaki.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *