Wednesday , December 25 2024

Sa ‘koryenteng’ paratang… Ping, dapat mag-sorry sa Kongreso — Castro

IGINIIT ni Capiz Congressman Fredenil Castro ang paghingi ng paumanhin ni Sen. Panfilo Lacson sa buong institusyon ng Kamara at sa mga mambabatas nito dahil sa kanyang mga mali at walang base­hang paratang na may dagdag na pondo umano ang nakalakip sa proposed 2020 national budget para sa deputy speakers at iba pang kongresista. 

Bilang kinatawan ng Kamara, sinabi ni Castro, dapat agad mag-sorry si Lacson dahil napatu­nayan palang “wala naman ni katiting na katotohanan” ang mga alegasyon niyang may P1.5 bilyong dagdag na pondo ‘daw’ ang bawat deputy speaker, at P700 milyon ang bawat kongre­sista sa 2020 national budget.

“Tulad ng nauna ko nang nasabi, hindi tayo mga batang musmos dito sa Kongreso na bas­ta na lang magtuturo at mag­bibintang nang walang basehan. Ang unang pinakamarangal na gawin ni Senador Ping Lacson ngayong nakita naman nating walang katoto­hanan ang kan­yang mga sinasabi ay humingi ng paumanhin sa mga mam­babatas na miyem­bro ng institusyon ng House of Represen­ta­tives,” ani Castro.

Bilang isang “gentle­man” at kapwa mamba­batas, isang moral duty ni Lacson na aminin ang kanyang pagkakamali, dagdag ni Castro.

Sinabi ito ni Castro, matapos biglang balikta­rin ni Lacson ang kanyang mga pahayag at sinabing imbes mabigyan ng mga dagdag na pondo ang bawat  deputy speaker at iba pang mga kongre­sista, hindi na raw ito itinuloy.

Ayon kay Lacson,  napag-alaman niyang hindi na raw pala itinuloy ang plano bago pa ito naiulat sa media.

“Sen. Ping, halatang-halata namang palusot mo na itong bago mong sinasabi. Aminin mong nakoryente ka. Kaya’t mag-sorry ka sa amin dahil ang mga mali mong alegasyon ay nakasisira hindi lamang sa reputa­syon ng bawat mamba­batas, kundi sa imahen ng institusyon ng Kongreso,” ayon kay Castro.

Aniya, makatitiyak ang publiko, sa ilalim ni Speaker Alan Peter Caye­tano, walang makalu­lu­sot na pork o illegal insertions sa national budget.

Nauna rito, sinabi ni  Deputy Speaker for Good Governance and Moral Uprightness Bro. Eddie Villanueva ng CIBAC party-list pawang kasinu­ngalingan ang mga nau­nang  alegasyon ni Lac­son.

Ayon kay Villanueva, ang paratang ni Lacson ay isang “big, big lie!”

Sinabi ni House Majority Leader Martin Romualdez na walang katotohanan ang mga alegasyon ni Lacson, at hiniling sa senador na pa­ngalanan niya ang pinag­kuhaan ng maling impor­masyon.

Para kay Senior Deputy Majority Leader Jesus Crispin Remulla, nagtataka siya kung saan nakuha ni Lacson ang mga paratang na para bang ang punto ay siraan lamang ang imahen ng Kamara imbes makipag­tulungan para maisulong ang mga programang pangreporma ng Pangu­lo.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *