Saturday , November 23 2024

Bro Eddie to Ping: ‘WAG KANG SINUNGALING! (P1.5-B pork ihahatag para sa 22 deputy speakers — Lacson)

PAWANG kasinungalingan!

‘Yan ang naging paha­yag ni Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva ng CIBAC party-list sa ale­gasyon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na tatang­gap umano ang mga deputy speaker ng Kama­ra ng dagdag na bilyong pondo sa ilalim ng P1.4 trilyong national budget para sa taong 2020.

Ayon kay Villanueva, walang basehan at hinu­got lamang sa hangin ang mga paratang ni Lacson.

“Bilang Deputy Speaker for Good Gover­nance and Moral Upright­ness, with due respect to Sen. Lacson, ang kanyang alegasyon na may plano raw na bigyan ng P1.5 billion ang mga deputies ng House of Represen­tatives ay isang malaking kasinungalingan. It is a big, big lie!” sabi ni Villanueva.

Sinabi ni House Majority Leader Martin Romualdez na walang katotohanan ang mga alegasyon ni Lacson,  at hiniling sa senador na pangalanan ang pinag­kuhaan ng imporma­syon.

Ayon kay Senior Deputy Majority Leader Jesus Crispin Remulla, nagtataka siya kung saan nakuha ni Lacson ang mga paratang na para bang ang punto ay siraan ang imahen ng Kamara, imbes makipagtulungan para maisulong ang mga programang reporma ng Pangulo.

“Ginugulo niya (Sen. Lacson) ang sitwasyon. Gusto niyang pagandahin ang imahen ng senado habang sinisira ang pagti­ngin ng mga tao sa Kama­ra. Ayaw niya kaming magtagumpay,” ani Remulla.

Binigyang diin ni Capiz Rep. Fredenil Castro, ang naapro­bahang national budget sa ilalim ng House Bill No. 4228 o ang 2020 General Appropriations Bill (GAB) ng Kamara sa third and final reading noong 20 Setyembre ay tugma sa National Ex­pen­diture Program o budget proposal ng Pangulong Duterte.

Ipinaliwanag ni Cas­tro, ang pondo ng Kamara ay base sa kung anong budget ang nakalagay sa NEP at ito ay hindi para sa mga deputy speaker kundi para sa pagpa­paunlad ng mga pasili­dad ng Kongreso, dagdag na sahod sa ilalim ng Salary Standardization Act ng mga House em­ploy­ees, at pagsasaayos ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD).

Dito ilalaan ang malaking parte ng budget ng Kamara at hindi para sa mga deputy speaker o congressmen, ani Castro.

Tulad ng mga nau­nang pahayag ni Speaker Alan Peter Cayetano at House Majority Leader Martin Romualdez, wala ni isang kusing na “pork” sa national budget for 2020,” ayon kay Castro.

HATAW News Team

P1.5-B PORK IHAHATAG
PARA SA 22 DEPUTY
SPEAKERS — LACSON

IBINUNYAG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na bukod sa P100 milyong alokasyon sa bawat kongresista ay makata­tanggap ng karagdagang P1.5 bilyong pondo ang nasa 22 deputy speakers sa Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso.

Ayon kay Lacson, mismong sa isang kapwa niya mambabatas nakuha ang naturang imporma­syon.

Sinabi ni Lacson, bukod dito ang umano’y tig-P700 milyon na matatanggap ng lahat ng miyembro ng mababang kapulungan.

Sa kasalukuyan ay nasa 300 mambabatas ang miyembro ng maba­bang kapulungan at kung makatatanggap ng P54 bilyon ay maituturing na pork.

Umaasa si Lacson na hindi ito matutuloy o mangyayari dahil labis-labis ito para sa mga kongresista.

Kaugnay nito, sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go, anomang “pork” ay hindi maganda para sa isang mamba­batas na halal na katulad niya.

Biro ni Go, ayaw niyang magkasakit lalo na’t may usapin ng African Swine Flu (ASF) at ayaw niya sa choles­terol.

Samantala buo ang paniniwala ni Senate President Tito Sotto III na hindi mauulit ang re-enacted  budget para sa susunod na taon.

Sa kabila ng isyu sa mababang kapulungan at pork ay hindi nila papa­yagan sa senado ang mga hadlang para mapag­tagumpayan ang mabi­lisang pagpasa nito.

(NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *