MAGKAKASUNOD na operasyon ang isinagawa ng Bureau of Immigration (BI) – Intelligence Division laban sa lumolobong bilang ng mga illegal offshore gaming hubs sa bansa.
‘Di pa man tapos ang isinasagawang imbestigasyon sa 277 Chinese nationals na hinuli sa isang POGO hub sa Parañaque ay nasundan agad ito ng 300 Genuine Intsik (G.I.) na nagpapatakbo ng illegal online gaming sa malayong isla naman ng Palawan.
Sa pangunguna ni BI Intelligence Officer Jude Hinolan, 5 hotels at iba pang establisiyemento ang nironda ng mga operatiba sa bisa ng Mission Order na pinirmahan ni BI Commissioner Jaime Morente.
Dito nabisto na kulang sa mga kaukulang dokumento ang mga GI na naging dahilan para sila ay sakotehin.
Isang team ng BI Prosecutors ang agad ipinadala sa isla upang magsagawa ng pormal na imbestigasyon.
Kapag napatunayan na wala talaga sila maipakitang dokumento ay ihahain ang deportation proceedings laban sa kanila.
Palibhasa ay malayo ang Palawan, kaya rito naman unti-unting inililipat ang operasyon ng illegal online gaming upang makaiwas sa mainit na mga mata ng awtoridad sa Maynila.
Tanong lang, hindi kaya habang dumarami ang accomplishments ng BI Intel operatives laban sa mga ilegal na tsekwa ay nagiging bentaha at pinagkakaperahan ng notorious fixers na sina Betty Chuwawa at Anna Sey?
Huwag na kayo magtaka kung mag-expand din ang business ng dalawang notorious fixers, baka nga umabot pa mula Aparri hanggang Jolo!
Wow ha!
E si Boy Pisngi at Rico Peramambo kaya?
Ano pa e ‘di parehong bigtime sa dami ng GIs na pinalusot nila!
Tsekwa pa more!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap