Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buntis, 2 paslit na anak patay sa sunog sa Tondo

PATAY ang isang inang buntis at ang kanyang dalawang paslit na anak sa sumiklab na sunog sa mga kaba­hayan sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang bikti­mang mag-iina na sina Mara Beneza, 23; Leo Lance Tequillo, 4; at Andrei Tequillo, 5 anyos, pawang residente sa Honorio Lopez Blvd., Gagalangin, Tondo, Maynila.

Ayon kay Fire Insp. John Joseph Jalique, chief of intelligence and in­vestigation ng Manila Fire District, natagpuan nilang magkayap sa loob ng nasunog na bahay ang dalawa sa biktima.

Positibong kinilala ang mga biktima ng kani­lang kamag-anak na si Michelle Bacanza, resi­dente sa lugar.

Ang ibang kaanak ay napinsala ng second-degree burns sa kanang braso gaya ni Lianlyn Tequillo, 7, habang si Ashley Tequillo, 8, ay sugat sa kaliwang hita at first degree burn sa noo.

Ayon kay Bacanza, na-trap ang mga biktima sa itaas na palapag ng kanilang bahay na gawa sa light materials.

Nagsimula ang apoy sa bahay na pag-aari ng isang Lilia Tequillo sa No. 650 Honorio Lopez Boulevard, Gagalangin dakong 6:17 am.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at naapula dakong 7:00 am.

Nasa P50,000 ang tinatayang pinsala ng sunog.

Iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at kabilang sa mga tinitingnang ang­gulo ang arson dahil pinaaalis na umano ang mga residente sa lugar.

Ayon kay Bacanza, may nauna nang nagban­ta sa kanila na susunugin ang kanilang bahay kung hindi pa sila tuluyang aalis sa lugar.

Samantala, mabilis na nagtungo si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lugar upang magbigay ng agarang tulong sa mga nasalanta ng sunog.

Kasama ni Doma­goso sina Manila Depart­ment of Social Welfare chief Re Fugoso at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office Arnel Angeles.

Iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at kabilang sa mga tinitingnang ang­gulo ang arson dahil pinaaalis na umano ang mga residente sa lugar.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …