Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

20% real property tax reduction nilagdaan ni Isko

PIRMADO na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  ang Ordinance No. 8567 na gumagarantiya  ng 20 porsiyentong kaba­wasan sa real  property tax ng mga taga-May­nila mapa-pribado man o commercial  na lupa.

“There is a need to adopt a more progres­sive and equitable revenue system to help our taxpayers from the detrimental effects of economic downturn,

“This may be achieved through a further reduction in the ceiling on the cor­responding increase in the tax levy from 60% by 20% based on the incremental values of real properties under Or­dinance No. 8330 (2014 General Revision of Real Property Assessments),” saad sa ordinansa.

Sa ilalim ng ordinan­sa,  inatasan ang City Treasurer’s Office at  Department of Assess­ment na maglabas sa loob ng limang araw  ng alituntunin at patakaran  sa inaprobahang ordi­nansa.

“All other ordinances, acts, administrative orders, rules and regula­tions inconsistent with or contrary to the provisions of this ordinance are here­by repealed or otherwise modified accordingly,” dekla­rasyon sa ordinansa.

Magiging epektibo ang ordinansa sa 1 Enero 2020.

Sinaksihan ni Vice Mayor Honey Lacuna, Majority Floor Leader Joel Chua at ng Konseho ng Maynila ang paglag­da ng alkalde sa nasa­bing ordinansa sa Bulwagang  Katipunan.

Nanawagan ang alkalde sa taxpayers sa lungsod na hanggang 31 Disyembre pa ang kani­lang pagkakataon na makapagbayad ng kani­lang buwis na hindi nabayaran.

Aniya, isa itong pina­kamahabang am­nesty dahil binigyan ang taxpayers ng mababang buwis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …