Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grupo ng Japanese at Taiwanese nagrambol sa kulangot

PINAHIRAN ng kulangot sa mukha ng Taiwanese ang isang Japanese dahilan upang mauwi sa bangayan at rambolan ang magkabilang grupo sa loob ng isang bar sa Ermita, Maynila.

Ayon sa ulat, ang magkakaanak na sina Shisaku Fujita, nego­syante; Kieth Ravina, 27; at Louigie Villanueva, 22, ay dinala sa tanggapan ng MPD-General Assign­ment and Investigation Section (MPD-GAIS) para imbestigahan sa nangya­ring kaguluhan.

Binitbit din sina Chun Yi Shen, 30; Po Yu Lin, 35; Chen Chang Wu, 30; at Wen Yu Chang, 35, habang nakatakas ang tatlo pa nilang kasama na kapwa nila Taiwanese national.

Nauna rito, kapwa nag-iinuman sa magka­bilang mesa ang grupo ng Taiwanese at Japanese nationals sa Capricorn bar sa Ermita, Maynila dakong 4:00 am.

Nauna na umanong nagkainitan ang magka­bi­lang grupo dahil sa ginagawang pagdaan-daan ng mga suspek sa kasama nilang babae.

Hanggang sundan ng suspek si Fujita sa comfort room at doon siya pinahiran ng kulangot sa mukha.

Nasundan ito ng bangayan sa pagitan ni Fugita at ng Taiwanese hanggang magbatuhan ng bote at nauwi sa rambol.

Mabilis na nakatawag ng pulis at kapwa binitbit ang mga sangkot.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …