Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wala akong balak tumakbong presidente o bise presidente — Mayor Isko

“I WILL definitely not be running for vice president moreso, as president in 2022 and that is final.”

Ito ang matatatag na paninindigan ni  Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kahapon bilang pagtanggi sa mga panawagan na siya ay tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Sa isang panayam kay Moreno, sinabi niyang hindi pa aniya nag-iinit ang puwet niya bilang Mayor ng Maynila at wala pa sa katiting ang kani­yang mga nagawa.

Seryoso at napakalaki ng problemang iniwan ng nakaraang adminis­tra­syon at ito aniya ang kaniyang pagtutuunan ng pansin.

Ayon kay Moreno, hindi sapat ang tatlong taon upang ayusin ang problema sa Maynila. Kailangan din aniyang tuparin niya ang pangako na binitawan niya sa mga taga-Maynila at maha­bang panahon ang gugu­gulin upang maisaka­tuparan ito.

Malaki ang pasa­salamat ni Moreno sa mga tao na nagtitiwala at naniniwala sa kanya na kalipikado siya sa mas ma­taas pang posisyon gaya ng bise presidente at presidente, gayonman nanindigan si Mo­reno na tatapusin niya ang termino bilang mayor ng Maynila hanggang 2022 at pinal na aniya ang desisyong ito.

“It’s not gonna happen. Nagsasalita na ‘ko nang tapos. Kaya ‘yung mga nagpu-push na tumakbo akong Presi­dent or Vice President, tigilan n’yo na ‘yan. Mabuti pa, tumulong na lang kayo sa ating pama­halaang-lungsod kung paano natin maibabangon ang Maynila mula sa matinding pagka­kalug­mok nito,” ayon kay Mayor Isko.

Binigyang diin ni Moreno, malaki ang utang na loob niya sa mga taga-Maynila dahil sa kanyang  overwhelming victory noong nakaraang elek­siyon. Aniya, nais niyang gugulin ang lahat ng panahon upang mapa­buti ang kalagayan ng lahat ng taga-Maynila.

“Mahal ko ang Maynila at ang mga Mani­leño na nagluklok sa akin upang pamunuan ang lungsod kaya’t hinding-hindi ko sila iiwan at bibiguin,” pagtiti­yak ni Moreno.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …