Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Issuance ng visa ng DFA sa Chinese mainlanders paimbestigahan din

NITONG nakaraang linggo ay ipinag-utos ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagpapaimbestiga sa kalakaran ng escort service ng ilang personalidad sa BI-NAIA.

Partikular dito ay mga nag-e-escort sa mga Chinese national na patuloy na dumaragsa sa bansa.

Inatasan ng Director ang National Bureau of Investigation (NBI) na pangunahan ang imbestigasyon at pagmamanman sa sinasabing escorting at kung sino-sino ang involved rito.

Sa ating palagay tila masyadong nasi-single-out ang BI sa mga pangyayari.

Hindi kaya nagtataka si SOJ Aguirre na sa kabila ng isyu tungkol sa paglobo ng bilang ng mga Tsekwa na pumapasok sa bansa ay patuloy pa rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pag-iisyu ng mga visa sa kanila!?

Tila wa-pakels ang DFA tungkol dito!

Bakit nga ba?

In the first palce, hndi naman makapupunta ang mga G.I. (genuine intsik) sa ating bansa kung hindi naman sila naisyuhan ng visa ng konsulado natin sa China ‘di ba?!

Ano nga naman ang magagawa ng immigration officers kung dumaan sa kanila ang mga Tsekwa na kompleto sa dokumento?

Since visa required ang Chinese nationals, kinakailangan lang na legit ang tangan nilang mga visa bukod pa sa return ticket at hotel booking na requirements para sila ay tanggapin bilang turista.

E kumusta naman ang visa upon arrival (VUA) na inaprobahan ng DOJ?

Hindi ba tuloy-tuloy pa rin ito kaya paano mapipigilan ang pagpasok nila sa ating bansa?!

‘Yung tungkol naman sa escorting service na sinasabi nila, I don’t think na talamak ang gagawa ng ganito sa panig ng mga IO.

‘Pag sinabi kasing ‘escorting’ ay mula paglabas ng eroplano hanggang makarating sa immigration counter kinakailangan bantayan ang pagdating nila.

Obvious masyado kung ganito ang magiging sistema.

Kung ‘nakatimbre’ puwede pa!

Kahit itanong n’yo pa kay Boy Pisngi a.k.a. Sisig at dating pakner in crime niyang si Rico pera!

I’m sure expert sila riyan!

Sa kabila rin ng sandamakmak na issues tungkol sa mga online and offshore gamings maging ang mga nahuhuling Chinese nationals na walang kaukulang working permits ay tila dedma rin diyan ang Malacañang.

Kung talagang alarmado ang DOJ sa pagdagsa ng Chinese nationals, kinakailangan sigurong mag-usap sila ng DFA para solusyonan ang problema at nang hindi puro sa BI na lang nabubunton ang sisi!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *