Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 sugatan Kasambahay tigok sa rider

HINDI umabot nang buway sa ospital ang isang 48-anyos kasambahay habang naglalakad sa kalsada matapos mabangga ng motorsiklo, habang dalawa ang sugatan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Capitolina Bejerano, residente  sa Abbey Road II, Brgy. 73,  sanhi ng pinsa­la sa ulo at katawan.

Habang ang dalawang ang­kas ay ay may sugat sa kanilang katawan at ginagamot din sa naturang ospital na kinilalang sina si Robert Ylanan, 23, at Romualdo Zabala, 19, kapwa bakery helper sa Barangay 74.

Sa natanggap na report ni Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, dakong 4:20 am nang maganap ang insidente sa ka­habaan ng Heroes Del 96 St., Brgy. 73 sa nasabing lungsod.

Mabilis umano ang patakbo ni Joemar Arresgado,19  anyos, sa minamaneho niyang Honda motorcycle (NA- 88193) habang tinatahak ang kahabaan ng  nasabing lugar, angkas si Ylanan at Zabala nang masagi ang isang nakaparadang tricycle sa gilid ng kalsada.

Sa lakas ng impact, nawalan ng control si Arresgado hang­gang mabundol ng motorsiklo ang biktima na naglalakad pauwi.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries, damage to properties at paglabag sa RA 4136 o the Land Transportation and Traffic Code ang isinampa ng pulisya laban kay Arresgado sa Caloocan City Prosecutors’ Office. (R. SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …