Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Flat glass smugglers, pinababantayan sa Customs

PINATUTUKAN na rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ilegal na pagpasok sa bansa ng mga smuggled flat glass na posibleng makaapekto sa construc­tion industry sa bansa.

Sa naunang Depart­ment Administrative Order (DAO) na inilabas ng DTI, inaatasan nito ang Bureau of Product Stan­dard (BPS) na maglunsad ng mas agresibong kam­pan­ya laban sa manu­facturers at importers ng mga flat glass upang maprotektahan ang con­sumers.

Lumitaw sa imbes­tigasyon ng DTI, may manufacturers at impor­ters ang nagpa­palusot ng mga substandard flat glass na nagagamit sa matataas na gusali sa mga business district sa Metro Manila at mga lalawigan.

Sa pamamagitan ni DTI-BPS Director, Engr. James Empeno, mas naging aktibo ang kam­pan­ya laban sa mga flat glass kasunod ng mga impormasyong dumating sa ahensiya na may mga smuggler ang nagpa­pa­lusot ng papasok sa ban­sa.

Nanawagan ang DTI sa Bureau of Customs sa mahigpit na pagbabantay sa mga pantalan upang hindi makapasok sa ban­sa ang mga substandard flat glass.

Sinabi ng DTI, mala­king panganib sa publiko ang paggamit ng mga subtstandard flat glass, lalo sa matataas na gusa­li, dahil hindi niya kina­kaya ang malakas na hampas ng hangin at kahit mahinang pagyanig ng lupa.

Nanawagan din ang DTI sa publiko na ipag­bigay-alam sa kanilang tanggapan ang mga con­struction company na tumatangkilik sa mga substandard flat glass para maipagharap ng kaukulang kaso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …