PORMAL nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga nagwagi sa midterm elections na isinagawa nitong 13 Mayo 2019.
Ito’y kasabay ng huling araw ng Hunyo nitong Linggo.
Kabilang sa mga sumalang sa oathtaking ang newly elected Manila mayor na si Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna sa harap ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.
Tinalo ng dating Manila vice mayor na si Isko si Joseph Estrada.
Ayon kay Isko, ang kanyang administrasyon ay magiging isang bukas na pamahalaan, bukas ang financial records, bukas ang lahat ng transaksiyon at walang itinatago.
At higit sa lahat bukas ang isipan sa mga makabagong paraan.
Bukas sa mga suhestiyon na magmumula sa mga mamamayan mismo.
Samantala, nanumpa ang mga newly-elected and reelected councilors kay Executuve Judge Virgilio Macaraig.
Sa panayam kay Julius Leonen, bagong PIO chief ng Manila City Hall, inimbitahan nila ang mga dating alkalde ng Maynila kabilang sina Alfredo Lim, Joseph Estrada at Lito Atienza.
Tanging si dating mayor at ngayo’y congressman Lito Atienza ang nagpaunlak sa nasabing paanyaya na binigyan ng credits ni Mayor Isko ang mga magandang nagawa sa Maynila sa panahon ng kanyang panunungkulan.