Thursday , November 21 2024

Digong ibinuko si ‘Allan’ sa term sharing kay ‘Alan’

PARANG sinungaling si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa harap ng  publiko matapos kompirmahin at idetalye mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nabuong term sharing sa House Speakership sa nila ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Velasco.

Unang kinompirma ni Cayetano ang konsepto ng term sharing upang maresolba ang gusot sa Speakership, sumang-ayon rito ang magkabilang panig at inaprobahan ni Pangulong Duterte ngunit kalaunan ay umatras si Velasco.

Sa gitna ng pag-amin ni Cayetano, pilit ang pagsisinungaling ni Velasco at nanindigang walang ganitong kasunduan.

Sa ipinalabas na statement ni Velasco sinabi niyang walang binanggit ang Pangulo sa term sharing.

“President Duterte never mentioned term sharing when he told lawmakers to decide among themselves who should be the next speaker,” nakasaad sa statement ni Velasco.

Sa isang ambush interview, idinetalye ni Pangulong Duterte ang katotohan at kung  kung paano sya nilapitan sa kanyang kuwarto sa Japan nina Cayetano at Velasco para talakayin ang term sharing. Napagkasunduan na mauupo si Cayetano nang 15 buwan at ang susunud na 21 buwan ay kay Velasco.

“Ganoon ang proposal. Pumayag na si Cayetano but si Velasco mukhang last minute nag-back out,” paglilinaw ni Pangulong Duterte.

Hati ang mga mambabatas sa isyu ng term sharing, may ilan ang tutol dahil sa usapin ng stability ng Kamara ngunit may ilan na pabor lalo at inexperience si Velasco para pamunuan ang 3-taon na buong termino.

Naniniwala rin ang political analyst na si Ranjit Rye na term sharing ang sagot sa isyu sa Speakership, aniya, magreresulta sa pagkahati-hati ng partido kung ipipilit na mamili sa pagitan nina Velasco at Cayetano na kapwa may mga kaalyadong kongresista.

Para sa kilalang political analyst sa sitwasyon sa Kamara, nararapat ang term sharing, hindi naman bago dahil nangyari ito sa 17th Congress nang palitan sa gitna ng termino ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang napataksik na si Alvarez.

E bakit nga ba ayaw pumayag ni Velasco sa term sharing?!

Ang gulo naman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *