Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hit-and-run sa Recto Bank: ‘Simple maritime incident’ giit ng Palasyo

AYAW ni Pangulong Rodrigo Duterte  na maging international crisis ang naganap na hit-and-run sa Recto Bank kaya naging maingat sa pagkibo sa isyu at tinawag lamang itong maritime incident.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nanindigan ang Pangulo na dapat pa­king­­gan ang lahat ng panig sa gitna ng iba’t ibang bersiyon habang isinaaalang-alang ang may 320,000 overseas Filipino workers sa China.

Hindi naman aniya nagbabago ang posisyon ng Palasyo na may nangyaring abandone­ment.

“Kung intentional ang nangyari – dapat mala­man kung bakit inten­tional…at kung hindi, dapat lang na may kompensasyon na maku­ha ang mga naging biktima,” aniya.

Inilinaw ni Panelo, walang naging consensus ang joint cabinet cluster hinggil sa napaulat na pag-iimbita kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua kaugnay ng insidente ng banggaan sa Recto Bank.

Sina Agriculture Secretary Manny Piñol at Energy Secretary Alfono Cusi ay magtutungo sa 22 mangingisda na nakasa­ma sa hit-and-run sa Recto Bank para ihatid ang support package para sa kanila mula sa gobyerno.

Inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, nasa wait and see situa­tion ang Filipinas kaugnay sa inihaing diplomatic protest laban sa China hinggil sa insidente.

Habang hinihintay ang tugon aniya ng China, tuloy ang ginaga­wang imbesti­gasyon sa nangyari ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na may hurisdiksyon dito.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …