Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aegis Juris frat member 2-4 taon kulong sa Atio hazing-slay (Sa obstruction of justice)

PINATAWAN ng dala­wang taong pagkakabi­langgo at apat na buwan hanggang apat na taon at dalawang buwan, ang inihatol ng Manila Metro­politan Trial Court sa isang miyembro ng Aegis Juris Fraternity na napatunayang guilty sa kasong obstruction of justice sa pagkamatay sa hazing ng Rizal scion at University of Sto. Tomas  (UST) law student Horacio “Atio” Castillo III noong 17 Setyembre 2017.

Sa 27-pahinang desi­syon ni MMTC Judge Carolina Esguerra ng Branch 14, si John Paul Solano, nahatulan ng dalawang taong pagka­ka­bilanggo at apat na buwan hanggang apat na taon at dalawang buwan, ay inabsuwelto naman sa kasong perjury na ini­harap sa kanya kaugnay sa pagkamatay ni Castillo.

Naabsuwelto sa kasong perjury si Solano matapos makitaan ng ‘inconsistencies’ ang mga pahayag ng police officers na lumagda sa kanyang judicial affidavit.

Si Solano umano ang nagsugod kay Castillo sa Chinese General Hospital noong 17 Setyembre 2017.

Sa mga naunang pahayag sa pulisya, sinabi ni Solano na hindi niya kilala si Castillo na natagpuan niyang naka­han­dusay sa Tondo, Maynila, kaya’t isinugod sa pagamutan.

Nadiskubreng nag­sisi­nungaling si Solano nang matuklasan ng mga pulis na magkasama sila sa fraternity ng biktima at matapos na pabulaanan ng mga lokal na opisyal na hindi sa kanilang lugar nadiskubre ang katawan ng hazing victim.

Inamin din ni Solano na wala siya sa frat library nang isagawa ang hazing kay Castillo pero tinawa­gan siya ng kanyang mga kasamahan para isugod sa pagamutan ang bik­tima.

Nabatid na si Solano ang kauna-unang Aegis Juris na nahatulan ng korte, kaugnay sa kaso ni Castillo habang dinidinig pa ang kasong homicide at paglabag sa hazing law na isinampa laban sa 10 pang miyemnro ng Aegis fraternity.

Ayon kay Carmina, ina ni Castillo pinag-aaralan pa nila ang pagsasampa ng iba pang mga kaso laban sa iba pang frat members, kabilang iyong miyembro na nasa group chat na pinag-uusapan nila kung paano ikukubli ang krimen.

Ang biktimang si Atio, ay inapo ng baya­ning si Gat Jose Rizal sa kanyang bunsong kapatid na si Soledad na naka­pag-asawa ng isang Malvar.

Anak ni Soledad ang lola ng ama ng biktima na si Amelia Malvar na nakapag-asawa ng Quin­tero at anak nila si Teresita Quintero na ina ng ama ni Atio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …