Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isko at Erap nagharap na (Peace and order hiniling kay Lim)

PERSONAL na nagharap sina Manila outgoing Mayor Joseph Ejercito Estrada at Mayor–elect Francisco “Isko” Moreno Doma­goso matapos mag-courtesy visit ang huli sa tanggapan ng una sa Manila City Hall, sa Ermita, Maynila kahapon ng hapon.

Naging maayos ang pagha­harap ng dalawa na inorga­nisa ng kanilang “transistion team” simula pa noong 27 Mayo.

Sinabi ni Estrada, lahat ng departamento at opisina, mag­bibigay ng report tung­kol sa plantilla of personnel, inventory of property, records at iba pang doku­mento.

Kasabay nito, sinabi ni Estra­da, umaasa siya na ipag­pa­patuloy o hihigitan pa ni More­no ang mahaha­lagang pro­gra­ma ng kan­yang admi­nistrasyon tulad ng suporta sa mga ospital, kasama na ang dialysis center at 100% ser­bisyong medikal para sa lahat ng Manilenyo.

Gayondin ang suporta sa Pamantasan ng Maynila, lahat ng pampublikong paa­ralan sa elementarya at high school.

Bukod sa P500, birthday gift sa lahat ng senior citizen at P100,000 allowance para sa centenarians, allowance ng mga guro, at P2,500 sa mga pulis, maging ang patuloy na pagpa­pailaw sa mga kalsada.

Nagpasalamat si More­no kay Estrada sa mainit na pagtanggap sa kanya.

Tiniyak ni Moreno na ipagpa­patuloy niya ang mga ginawa ni Estrada na mapa­pakinabangan ng mga mamamayan ng Lungsod ng Maynila.

Nanawagan rin si More­no sa lahat ng emple­yado ng Lungsod na tulu­ngan siya sa pagbibigay ng serbisyo sa mga mamama­yan dahil hindi niya ito kakayanin mag-isa.

Nauna rito, nakipag­pulong muna si Moreno kay dating Manila Mayor Alfredo Lim.

Nalaman na personal na hini­ling ni Moreno kay Lim na tulungan siya sa pagpapa­natili ng peace and order sa Maynila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …