Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grade 5 student dinukot, nakatakas sa kidnaper

NADAKMA ng mga tau­han ng isang barangay ang isang lalaki na nagtangkang dumukot sa isang babaeng Grade 5 student na agad naka­pag­sumbong sa kanyang ama nang makatakas sa suspek, nitong Biyernes ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Nahaharap sa kasong abduction in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law, ang  suspek na si Rodennis Garcia, 49, jobless, resi­dente sa Block 12, Lot 22, Phase 3, E1 Dagat-dagatan, Caloocan City.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:00 am, nitong 14 Hunyo sa Rizal Ave., kanto ng Yuseco St., sa Sta. Cruz, Maynila

Bago ang pagdukot, inutusan umano ng kan­yang mga magulang ang biktima na magtungo sa Anacleto St., para bu­mili ng pagkain.

Habang naglalakad, nakita umano ng suspek ang biktima at tinawag saka sinabihang, “Halika, may ibibigay ako sa ‘yo, ibigay mo sa tatay mo, sumama ka sa akin.”

Tumanggi ang batang babae pero puwersahan siyang isinakay ng suspek sa bisikleta at saka binag­tas ang T. Mapua St.

Pagdating sa M. Ponce Elementary School, bumaba ang suspek sa bisikleta na sinamantala ng biktima saka kuma­ripas ng takbo pauwi sa kanilang tahanan.

Paalis na umano ang suspek nang abutan at maaresto ng barangay officials at agad na binitbit sa Alvarez Police Community Precinct (PCP) para maimbes­tiga­han.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …