Sunday , December 22 2024

Petisyon vs pag-upo ni Cardema sa Duterte Youth inihain sa Comelec

GRUPO ng mga kaba­taan ang naghain ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) laban sa pag-upo ng hepe ng National Youth Com­mission (NYC) na si Ronald Cardema kapalit ang asawa bilang unang nominee sa Duterte Youth party-list.

Sinabi ng grupong National Union of Stu­dents of the Philippines (NUSP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP), at University of the Philippines (UP) sa Comelec na hindi na maaaring palitan ni Car­dema ang asawa niya bilang first nominee ng Duterte Youth Party-list dahil lagpas na ito sa deadline ng “substitution’ na dapat ginawa noong Nobyembre 2018.

Si Cardema ay nagpe­tisyon sa Comelec na papalitan niya ang kanyang asawa noong 12 Mayo, isang araw bago mag-eleksiyon.

Nauna nang sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez hindi na maaaring palitan ni Cardema ang asawa niya dahil lagpas na ang deadline.

Ayon sa mga grupo ng kabataan hindi na rin puwede si Cardema na maging kinatawan ng kabaatan dahil 33 anyos na siya.

Anila, ang lider ng kabaatan ay dapat 30 anyos o mas bata pa.

“Comelec should junk Cardema’s shady tactics which mock the party-list system. He has been exposed as nothing but a power-hungry fraud in service only to himself and his patron Duterte. The youth will not let this stand,” ayon kay NUSP national spokesperson Raoul Manuel.

Kasama sa mga nagpetisyon laban kay Cardema ang Kontra Daya, TINDIG-SHS ng University of Santo Tomas (UST), at Youth Act Now Against Tyran­ny (YANAT.)

Ang petisyon ay suportado ng libo-libong lider ng kabataan mula sa iba’t ibang organisasyon, student council at student publications sa buong bansa.  (GERRY BALDO)

 

 

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *