Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lalaking nagpasabog sa Lanao del Sur, sugatan sa sariling bomba

SUGATAN ang lalaking naghagis ng bomba sa harap ng Bacung Elementary School sa bayan ng Marantau, lalawigan ng Lanao del Sur bago matapos ang halalan kahapon, 13 Mayo, na sina­bing target ang mga sun­dalong nagbabantay sa voting center.

Ayon kay Col. Jake Juma­wan, commander ng Philippine Army 82nd Infantry Battalion na nagbabantay sa lugar, sakay ng isang puting van ang suspek nang biglang maghagis ng im­provised na bomba sa mga sun­dalong nagbabantay ng paaraln, ngunit tumama ang bomba sa windshield ng van, tumalbog, at sumabog sa loob mismo ng sasakyan.

Dinala sa Amai Pakpak Medical Center sa lungsod ng Marawi upang malapatan ng lunas ang hindi pa pinanga­ngalanang suspek.

Dagdag ni Jumawan, dinakip na ang driver ng van at ang isang kumukuha ng video malapit sa pinangyarihan ng insidente para imbestigahan.

Samantala, narekober pa ang tatlong iba pang IED sa loob ng van at na-detonate na ng explosive ordinance disposal (EOD) unit ng Philippine Army.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na ginawa ito upang manakot at manggulo sa nagaganap na halalan.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …