IPATITIGIL simula 16 Mayo ang alokasyon ng irrigation water sa Pampanga at Bulacan mula sa Angat Dam dahil sa kritikal na pagbaba ng antas ng tubig na naipon sa nasabing dam simula noong nakaraang linggo, ayon sa National Water Resources Board (NWRB).
Sisimulan ng NWRB ang pagbabawas ng alokasyon sa irigasyon sa nasabing mga lalawigan mula sa 3,450 milyong litro kada araw sa 2,590 milyong litro para sa unang dalawang lingo ng buwan ng Mayo.
Gayonman, sa kabila ng pagbabawas, sinabi ni NWRB executive director Sevillo David, hindi lub-hang makaaapekto sa nabanggit na mga lala-wigan dahil malapit ito sa pagwawakas ng panahon ng pag-ani.
“Sa tingin natin hindi makaaapekto sa mga palayan diyan kasi nga po halos patapos na ang pagtatanim diyan at malapit na po mag-ani ang mga kababayan natin sa Bulacan at Pampanga kaya sa tingin natin hindi na ganoon kalaki ang pangangailangan nila sa tubig sa panahon na ito,” wika ni David. Napagalaman ipagpapatuloy ng ahensiya ang pagbaban-tay sa antas ng tubig sa Angat Dam.