Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sabi ng COA: Sandoval Foundation maraming violations

BATAY sa pagsusuri ng Commission on Audit (COA) noong 2012, kaliwa’t kanang pagla­bag sa mga reglamento ang naitala ng Pama­malakaya Foundation, Inc., na inendoso ni Malabon Rep. Ricky Sandoval para tumang­gap ng P20-milyong halaga ng cash-for-work project ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Seryosong paglabag din na mismong asawa ni Ricky na si Vice Mayor Jeannie Sandoval ang isa sa mga nagtatag ng Pamamalakaya Foun­da­tion na inendoso ng mambabatas para tu­manggap ng P20 milyon mula sa kanyang pork barrel.

Lumitaw sa imbes­tigasyon noong 2012, wala itong permit to ope­rate mula sa pama­hala­ang lungsod ng Navo­tas kung saan ito nakabase.

Hindi rin kinompirma ng Pamamalakaya Foun­dation, Inc., ang mga transaksyon at hindi nag­sumite ng mga karag­dagang dokumento sa grupong nagsagawa ng special audit.

Wala rin ibang doku­mentong nagpatunay na naisagawa ang proyekto kundi payroll ng mga sina­sabing benepisaryo ng mga proyekto ng Pama­ma­lakaya at sa nasabing papel walang kompletong address na nakalagay at walang detalyadong accom­plishments report ng proyekto.

Lumabas din na ang kabuuan ng liquidation report na isinumite ay P21.395 milyon — sobra nang mahigit P1 milyon sa orihinal na P20-milyon pondong inilagak ni Ricky Sandoval.

Halos 3,000 sa mga benepisaryo ang dalawa hanggang apat na beses na umulit.

Sa 1,014 bene­pi­saryong kuwestiyonable, 117 lang ang sumagot sa COA. At sa 117, pina­bulaanan ng 103 sa kanila na may natang­gap sila mula sa cash-for-work program na idinaan sa Pamama­lakaya.

Hindi matagpuan ng COA ang 294 bene­pisaryo, na sinasabing tumanggap ng tig-P2,500, sa mga address na ibinigay nila.

Sa 5,583 bene­pisaryong sinuri ng COA, 2,715 lang ang rehistradong botante ng Navotas City, habang hindi siguardo ang COA kung totoo bang mga tao ang natitirang 2,868 na sinasabing nakinabang sa proyekto ng Pama­malakaya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …