Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paglagda sa Energy Efficiency Act… Aprub sa MKP

MALIGAYANG tinang­gap ng Murang Kuryente Party-list (MKP) nitong Miyerkoles ang paglagda sa Republic Act No. 11285 o ang Energy Ef­ficiency and Con­servation Act, na naglalayong mapalawig ang paggamit ng renewable energy upang matiyak ang kata­tagan ng power supply sa bansa.

Sa batas na nilagdaan noong 12 Abril 2019 at inilabas nitong Martes, may mandato ang De­part­ment of Energy (DOE) upang panguna­han ang paglikha ng National Energy Ef­ficiency and Conservation Plan para gumawa ng mga target at estratehiya gayondin ang pagmo-monitor at ebalwasyon ng mga programa para sa episyenteng enerhiya at konserbasyon.

“Matagal na nating ipinaglalaban ang magka­roon nang gani­tong klaseng batas. Makaaasa ang DOE na tutulong at mag-aambag ang Murang Kuryente Party-list sa pagpapatupad nito,” pahayag ni MKP nominee Gerry Arances.

Ginawa ang publi­kasyon ng nasabing batas makaraang kumilos ang Korte Suprema para du­ma­an ang mga maa­nomalyang power supply agreements (PSAs) sa competitive selection process gaya ng iniaatas ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Kabilang sa mga rebokasyon ng MKP ang mga PSA sa kanilang pla­taporma pati na rin ang pagreporma sa EPIRA.

“Magandang buwan ang Mayo para sa mga konsumer ng koryente. Pero ang pinakamalaking laban ay nag-aabang pa rin. Ito ang laban sa susu­nod na Kongreso para repasohin at amyen­dahan ang EPIRA,” ani Arances.

Sa kasalukuyan, nagtagumpay ang MKP sa pagsalag sa tangka ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association (Philreca), na isa rin party-list at nahaharap sa election complaint dulot sa kampanya na maipasa sa mga konsu­mer ang real property taxes ng mga electric cooperative.

Nakiisa ang MKP sa iba pang power con­sumers para isampa sa Mindanao ang kaso laban sa 15 PSA ng electric cooperatives na nilagdaan sa pamama­gitan ng FDC Misamis Corporation, na nagdoble sa presyo ng koryente sa rehiyon.

“Ito ang panahon ng konsumer. Tayo naman ang maniningil,” ani Arances.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …