Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Butt Puwet Hand hipo

Dalaginding ‘dinakma’ ng sariling ama

SWAK sa kulungan ang isang 41-anyos construction worker matapos pasukin sa loob ng kulambo at dakmain ang kaselanan ng kanyang sariling anak na dalaginding habang natutulog sa kanilang bahay Valenzuela City kamakalawa.

Sa ulat kay Valenzuela chief of police P/Col. David Nicolas Poklay, dakong 7:00 am, natutulog ang biktimang si Rachel, 11 anyos, sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Parada nang pumasok sa loob ng kulambo ang ama

Dito, naram­da­man ng biktima ang mainit na haplos sa kan­yang kasela­nan at nang imulat ang mga mata ay tumambad ang anyo ng sariling ama na nakadak-ma pa sa maselang parte ng kanyang katawan. Biglang napabalikwas ng bangon ang biktima at matapos ang pananghalian ay isinumbong nito ang ginawa sa kanya ng kanyang ama sa kanyang tiyahin at sa sariling ina. Kinasuhan  ng Valenzuela Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng acts of lasciviousness ang ama ng biktima sa City Prosecutor’s Office ng Valenzuela city.

                                     (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …