Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Machine operator kritikal sa saksak ng utol na babae (Dingding winasak)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang machine operator makara­ang saksakin ng nakatatan­dang kapatid na babae nang sirain ng biktima ang dingding ng bahay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Quezon City Memorial Medical Center (QCMC) ang biktimang kinilalang si Pedro Anagao, 34 anyos, sanhi ng mga tama ng saksak sa katawan.

Nahaharap sa kauku­lang kaso ang kanyang babaeng kapatid na kinila­lang si Aurora de Galicia, 56 anyos, mananahi at residen­te sa  Victoneta Avenue, Brgy. Potrero ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng saksing si Lanie Domingo, 39, kapitbahay ng magkapatid, kina P/SSgts. Richard Andrew Calaycay at Philip Cesar Apostol, dakong 9:00 pm,  kainuman ng biktima ang kanyang mga kaibigan sa labas ng kanilang bahay.

Nang makaubos nang ilang bote ng alak, napagtri­pan umanong sirain ng biktima ang dingding ng bahay ng kapatid na babae na naging dahilan upang mauwi sa kanilang pag-aaway.

Dito nakakuha ng kitchen knife si De Galicia at tinarakan ang kapatid habang humingi ng tulong ang isa pa nilang kapatid na si Rolly Anagao sa PCP-2 na nagresulta sa pagkakaa­resto sa suspek at nareko­ber sa kanya ang ginamit na patalim.

Mabilis na isinugod sa MCU hospital ang biktima at kalaunan ay inilipat sa naturang pagamutan.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …