Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen Bam, last man standing sa Otso Diretso

TANGING si re­elec­tionist Sen. Bam Aquino ang oposisyon na naka­pasok sa Magic 12 ng bagong Pulse Asia survey.

Sa survey na ginawa ng Pulse Asia mula 1-14 Abril, si Sen. Bam ay nasa ika-10 hanggang ika-14 na puwesto.

Bahagyang guman­da ang posisyon ni Sen. Bam, na nasa pang-11 hanggang pang-16 na puwesto sa survey ng Pulse Asia noong naka­raang buwan.

Pasok din si Sen. Bam sa winners’ circle ng tatlong iba pang major pre-election polls, wala nang dalawang linggo bago ang halalan sa 13 Mayo.

Sa survey ng Publicus Asia na gina­wa mula 21-22 Abril 2019 na may­roong 2,000 regis­tered voters, si Sen. Bam ay tabla sa pang-lima hanggang 11 puwes­to.

Pasok din si Sen. Bam sa Magic 12 ng pre-election surveys na gina­wa ng Laylo at TNS. Si Sen. Bam ay pang-siyam hanggang pang-11 pu­wes­to sa Laylo at pang-pito hanggang pang-13 sa survey ng TNS.

Sa isang pahayag, nagpasalamat si Sen. Bam sa taong bayan, lalo sa volunteers, sa kanilang tiwala na nagsisilbi niyang inspirasyon sa kampanya.

Kapag nabigyan ng ikalawang termino, na­nga­ko si Sen. Bam na isusulong ang pagsa­sa­batas ng kanyang Traba­ho Center Bill.

Sa panukalang ito, lalagyan ng Trabaho Centers o job placement offices ang lahat ng pampublikong high schools at state uni­versities and colleges (SUCs) para makatulong sa pagresolba sa jobs mismatch at mataas na unemployment rate sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …