Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vote buying sa Marawi tutukan ni Duterte (Panawagan ng retiradong AFP, PNP, civic group)

 

NANAWAGAN ang mga retiradong sundalo, pulis at mga sibilyan kay Pangulong Duterte na aktohan ang malawakang bilihan ng boto sa Lanao del Sur partikular sa Marawi City.

Ang apela ay supor­tado ng 675 botanteng guma­­wa ng mga affi­davit na nagpa­patunay sa nangyayaring katiwa­lian.

Ayon kay Atty. Salic Dumarpa, ang kuma­katawan sa mga sibilyang botante, hiningi rin nila sa Commission on Elections (Comelec) na isailalim ang Lanao del Sur at Marawi sa kontrol ng komisyon.

Sa sulat na tinangap ng Presidential Com­plaints Center (PCC) sa Malacañang noong 30 Abril 2019, sinabi ng mga retiradong pulis, sundalo at ni Dumarpa na ang malawakang bilihan ng boto ay ginagawa ng ilang kandidato para gober­nador, mayor, kongre­sista, at bise mayor sangkot ang mga kapitan ng barangay bilang taga­pagbigay ng sample ballot na may kalakip na P6,000.

Ayon kay Dumarpa, ang 675 sinumpaang salaysay ay galing sa siyam na bayan ng Lanao del Sur kasama ang 122 mula sa Wao, 232 mula Pualas, 100 mula sa Piagapo, 88 mula sa Pagayawan, 55 mula sa Calanogas. 44 sa Lum­baca Unayan, 31 sa Sa­guia­ran, isa sa Maguing at dalawa sa Poo na Baya­bao.

Sinabi nila kay Duter­te, ang mga kontri­busyon ay mula kina Mamintal Adiong Jr., na tumatakbo bilang gobernador (P500 kada botante), bise gober­nador Mujam Adiong (P500), Ansarrodin Adiong na tumatakbong kongresista (P1,000), Majul Gandamra na tumatakbong mayor ng Marawi (P3,000) at Anoar Rumoros, para bise alkalde (P1,000.)

Para patunayan ang kanilang alegasyon, inilakip nila Dumarpa ang retrato ng mga sampol ballot kung saan naka-stapeler ang P6,000.

Sa Wao, ang mga botante ay binigyan ng “claim cards” na may picture ng mga kandi­dato.

Ang mga “claim card,” ayon kay Dumar­pa ay gagamitin sa pagkuha ng pera na kadalasan hawak ng mga kapitan ng barangay.

“The foregoing facts and circumstances have explicitly demonstrated that there are sufficient grounds for the de­claration of failure of elections in the entire province,” ayon sa sulat ng mga retiradong pulis at sundalo kay Duterte.

“Your fears that dirty politicians will destroy the sanctity and credibility of the elections through massive vote-buying is now happening in the province of Lanao del Sur and in Marawi City,” ayon kay Dumarpa sa ibang liham sa pangulo.

“The foregoing elec­toral fraud is not isolated because it is also occur­ring in the municipalities identified and repre­sented by those who signed the letter,” ani Dumarpa.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …