Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-Mayor, security inireklamo vs pambubugbog

NAHAHARAP sa ka­song serious physical injuries ang isang dating alkalde at kanyang security dahil sa pam­bubugbog sa supporter ni Sto. Tomas, Pampanga Mayor John Sambo noong 27 Abril.

Batay sa police report ng Sto. Tomas Municipal Police Station dumating si dating Mayor Romeo “Ninong” Ronquillo kasa­ma ang security na si Jojit Pineda, 29 anyos,  dakong 10:30 am sa bahay ng biktimang si Reynaldo Galang, 54, tagasuporta ni incum­bent Sto. Tomas, Pam­panga Mayor John Sambo.

Laking gulat ni Ga­lang­ nang pagbukas ng pinto ay agad siyang kinuwelyohan ni Ron­quillo at hinila palabas ng kanilang bahay.

Dito pinagbubugbog nina Ronquillo at Pineda sa iba’t ibang bahagi ng katawan at kahit lugmok na si Galang, pinag­bantaan siyang papa­tayin.

Dinala ang biktima sa Jose Lingad Hos­pital upang gamutin.

Lumiliitaw sa pag­sisiyasat na may personal na alitan sina Galang at Ronquillo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …