Wednesday , December 25 2024

Mar Roxas todo suporta sa mga kasama (Otso Diretso, sama-sama sa Visayas)

VISAYAS — Sa gitna ng pilit na paninira, pina­tunayan ng Otso Diretso na sila ay patuloy na lumalakas nang buong puwersang dumalaw sa Cebu at Bacolod kama­kailan.

Sa pagtitipon sa Cebu noong Linggo, ipinakita ng nagbabalik na senador na si Mar Roxas na buo ang kaniyang suporta sa mga kasama sa senatorial slate.

Game na game na sumama si Roxas sa mga group photo at nakipag­kulitan sa mga kasamang kandidato — pagpapa­si­nungaling sa mga tsismis na nagsasarili na siya sa kampanya pa-Senado.

Hirit ni Roxas sa mga Cebuano, ang tanging hiling niya sa kanila sa kaniyang nalalapit na kaarawan ay ipanalo siya at ang pito pang kasama sa darating na halalan — na natataon mismo sa kaniyang birthday sa 13 Mayo.

“Puwede bang ipa-birthday n’yo na sa akin ang inyong boto?” sabi niya sa mga Cebuano, na agad namang naghiya­wan at pumayag. Saka niya idinagdag na kasama sa wish niya ang Otso Diretso, kaya “walong birthday iyan, puwedeng-puwede!”

Sa kaniyang talum­pati, sinabi rin ni Mar na marapat suportahan ang Otso Diretso para “ang gobyerno ay magiging totoong kakampi ng mga Filipino.”

“Iyan ang dahilan kung bakit isinusulong natin ang ating mga adhikain at ang Otso Diretso, para magkaroon ng mga tao na siyang susulong para sa kapa­kanan ng mga ordinar­yong Filipino,” aniya.

Naging usap-usapan ang umano’y ‘di-pagka­kasundo sa senatorial line-up ng oposisyon dahil hindi sila madalas maki­tang magkakasama.

Tinatarget ng mga ganitong usapin si Roxas, na tahimik na nag-iikot-ikot sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas.

Matagal na itong pi­na­bulaanan ng mga kan­didato, dahil ginagawa lang ito para siraan sila.

Paliwanag ni Vice President Leni Robredo, isa sa mga pinaka-aktibong nangangam­pan­ya para sa Otso Diretso, napag-usapan na magsa­sama-sama ang walong kandidato para sa mala­la­king okasyon — ngunit kadalasan ay hiwa-hiwalay talaga silang nag-iikot para mas maraming mapuntahang lugar sa Filipinas.

Ginagawa ito ng Otso Diretso dahil sa mga pagsubok sa kampanya, gaya ng kakulangan sa pondo at campaign materials, at pagtatago ng mga lokal na opisyal na noo’y kaalyado nila.

Hindi man laging sumasama sa grupo, may mga pagkakataon na isi­na­sama ni Roxas ang ibang mga kapwa kan­didato sa mas maliliit na pagtitipon kasama ang mga tagasuporta.

Humarap ang Otso Diretso sa mga batayang sektor ng Cebu nitong Linggo, nang makiisa sila sa paglulunsad ng Ahon Laylayan Koalisyon, isang proyekto ng opisina ni Robredo.

Kasama rito ni Roxas ang mga kaalyado na sina Senator Bam Aquino, Magdalo Rep. Gary Ale­jano, dating congressman Erin Tañada, dating solicitor general Pilo Hilbay, dating ARMM assemblywoman Samira Gutoc, at ang mga beteranong abogado na sina Romy Macalintal at Chel Diokno.

Ang Ahon Laylayan Koalisyon ay naglalayong pagkaisahin ang mga batayang sektor upang palakasin ang kanilang boses at makuha ang atensiyon ng pamahalaan sa kanilang panga­ngai­langan.

Pagkatapos ng pag­bu­bukas nito sa Cebu, inilunsad rin ang proyekto sa Bacolod, na dumalo rin ang mga kasapi ng Otso Diretso — na nanga­ngakong isusulong ang kapakanan ng mga ordi­naryong Filipino kapag nanalo na sila sa Senado.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *