Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Indirect contempt inihain sa korte vs Romblon ex-VM Molino

NAHAHARAP sa kasong “indirect contempt” si dating Romblon vice mayor Lyndon Molino sa Sandiganbayan kaugnay sa kanyang mga pahayag tungkol sa “fertilizer case” ni dating congressman Budoy Madrona na dinidinig sa 6th Division ng nabanggit na hukuman.

Naghain ng 12-pahi­nang petisyon sa Sandi­ganbayan nitong 15 Abril 2019 para sa “indirect contempt” ang kampo ni Madrona na may Case No. SB 19SCA0003 dahil ipinagbabawal sa ilalim ng batas ang pagsasalita at pagtalakay sa merito ng isang dinidinig na kaso alinsunod sa itinatad­hana ng “sub judice rule.”

Ang nasabing kaso ay kriminal.

Batay sa “sub judice rule,” hindi dapat pag-usapan ang merito ng kaso at hindi dapat magbigay ng un­rea­son­able comment o opinyon tungkol sa kahihinatnan ng isang pending na kaso.

Layunin ng “sub judice rule” na mai­wasang maim­plu­wen­siyahan ang hukuman na dumidinig sa kaso at mabahiran ang integridad ng korte.

Nakasaad sa rules of court na ang kasong “indirect contempt” ay may parusang multa na hanggang P30,000 at pagkabilanggo nang hang­gang anim na buwan.

Isa sa maraming pa­ha­yag ni Lyndon Molino sa Facebook page ng Romblon Community ay inihalintulad niya ang kaso ni Madrona sa kaso ng isang dating gober­nador sa Sorsogon na nais niyang palabasin na parehong kaso at dapat na pareho rin ang magi­ging resulta.

Si ex-Gov. Raul Lee ay kinasuhan ng paglabag sa Section 3 (g) ng RA 3019 samantala si ex-Cong. Madrona ay kinasuhan naman ng Sec. 3 (e) ng RA 3019.

Nabigo si Lee na magpresenta ng mga testigo o mga dokumento para sa kanilang depensa kaya napatawan ng paru­sa, samantala sa kaso ni Madrona, hindi pa tapos magpresenta ng ebiden­siya ang prosekusyon at susunod pa lang ang depensa.

Ang pagkokompara ni Molino sa dalawang kaso ay malinaw na paglabag sa “sub judice rule” sapagkat sinisikap nitong maimplu­wen­siyahan ang hatol ng hukuman.

Binigyan si Molino ng 15 araw para sagutin ang petisyon. (RB)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …