Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Transparency giit ng MKP sa NGCP

NANAWAGAN ang Murang Kuryente Party­list (MKP) kahapon sa National Grid Cor­poration of the Philip­pines’ (NGCP) ng trans­parency sa kabiguan nitong ituloy ang initial public offering (IPO) na dapat nangyari sa unang bahagi ng taon.

Ayon kay MKP nominee at matagal nang energy advocate na si Gerry Arances, kadu­da-duda ang sinseridad ng NGCP upang maging transparent  at matu­pad ang tungkulin nito, lalo’t hindi pa nare­resolba ang artipisyal na power crisis sa Luzon.

“Sampung taon na simula noong nag-um­pisa ang kontrata nila, hindi pa rin sila naka­paghanda para sa IPO. Parang ayaw nila buk­san ang kanilang mga rekord sa publiko,” diin ni Arances.

Sa IPO, unang inia­alok ng isang kompanya na magbenta ng mga sapi nito na daraan sa mahig­pit na regulasyon at kailangang bukas ang operasyon sa publiko.

Nakasaad sa kontrata ng NGCP sa gobyerno ng Filipinas na kailangan pumasok sa IPO ang kompanya sa loob ng 10 taon sa pagbubukas nito noong 15 Enero 2009.

Ngunit imbes mag-alok ng IPO ay humingi ng palugit ang NGCP ng ekstensiyon sa Energy Regulatory Commission noong nakaraang 9 Abril 2019.

“Mga distributor at generation companies binabanatan natin dahil sa krisis ngayon, pero ‘yung NGCP hindi rin sumusunod sa kontrata,” ani Arances. “Bakit sila hindi rin natin pana­gutin?” Nangangamba si Arances na simpleng delaying tactic ang ginagawa ng NGCP para maiwasan ang pagta­tanong ng publiko.

Sa ilalim ng kanilang kontrata noong 2009, mandato ng NGCP sa pamamagitan ng IPO na magbenta ng 20 por­siyentong sapi o shares sa publiko.

Ikinatuwiran ng NGCP sa pagkabalam ng IPO nito ang kawalan ng pinal na kaayusan para mabatid ang presyo ng bawat sapi at ang mga problema nito sa National Trans­mission Corporation (TransCo) at sa Power Sector As­sets and Liabilities Manage­ment Corpo­ration (PSALM).

Hinihiling ng kom­panya na pagbigyan ito ng ERC hanggang 2010 para maiayos ang IPO.

Ang NGCP ay pri­badong kompanya na nakakuha ng 25-taong kontrata sa gobyerno para i-operate ang power transmission network sa bansa na dating kontro­lado ng TransCo.

“Dapat ‘ata ibalik na lang sa gobyerno ang serbisyo nila,” dagdag ni Arances. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …