Wednesday , December 25 2024

Cap sa power rate hikes, pinuri ng MKP

MALUGOD na tinanggap ng Murang Kuryente Party-list nitong Martes ang ginawang panukala ng Senate Committee on Energy para maglagay ng cap sa power rate hikes.

“Masyadong mataas ‘yung cap para sa mga konsumer, pero ito ay isang hakbang patungo sa nararapat,” sabi ni MKP second nominee at mata­gal nang energy advocate na si Gerry Arances.

Napagkasunduan kamakailan ng Senate Committee na pinangu­ngunahan ni Senador Sherwin Gatchalian ang P6 per kilowatt-hour cap sa power rate increases.

Ngunit iginiit ng party-list na unang hak­bang pa lamang ito at dapat na baguhin ang mis­mong sistemang ipi­na­iiral.

“‘Wag tayo tumigil diyan. Tama si Senador Gatchalian na ang polisiya natin sa koryente mismo ang may pagkukulang. Tingnan natin ang EPIRA at baguhin ang dapat baguhin, para taga­kon­sumo naman ang maki­nabang,” diin ni Arances.

Ayon kay Arances, dapat din parusahan ang generation companies (GenCos) dahil sa bigla o wala sa iskedyul na pagkawala ng koryente.

“Nabanggit sa hearing, at malinaw na malinaw – ang konsumer na ‘di makabayad nang mataas na singil sa kor­yente, mapuputulan at mapapatawan ng mga reconnection fees, pero ang GenCo na nasiraan ng planta at sanhi ng brown­out, walang kailangang katakutan,” lahad ng energy advocate.

Sinabi ni Arances na dapat mag-ingat ang Senate Committee sa mga posibleng taktika ng mga energy company na gami­tin ang banta ng pagka­wala ng koryente upang mahimok ang pamaha­laan na magtayo pa nang mas maraming power plant at sa kasunduang matatalo ang mga kon­syumer.

“Tandaan natin na pabor sa kanila na magka­roon ng krisis sa koryente para mapilitan tayo na magbayad kung anuman ang singil nila. Dapat ipakita natin na mulat tayo sa mga galawan nila, at handa tayo na ipagla­ban ang dapat para sa mga consumer,” dagdag ni Arances.

Patuloy pa rin ang pagkuwestiyon ng MKP sa mga distributor, generation company at kooperatiba sa industriya habang inaasam nilang maprotektahan ang mga konsumer sa pinaka­masamang gawain nito.

Idinagdag ng party-list na pinag­sasaman­talahan ng mga distri­butor tulad ng Meralco at mga kooperatibang katu­lad ng Philreca ang mga tapat na konsumer.

“Kung hindi baba­guhin ang sistema, hindi magbabago ang indus­triya. Noong isang araw lang, nagbadya ang Meral­co ng kakulangan sa supply ng koryente hang­gang sa Hunyo. Ang koryente, serbisyo at hindi negosyo. Dapat hindi mga negosyante ang nag­ta­takda ng mga polisiya at presyo nito,” ani Arances.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *