Friday , May 9 2025

Bicol binagyo ni Coco Martin at ng AP-PL

ISINARA ang isang bloke ng national highway at umapaw ang mga tao sa mga plaza sa pagdating ng Ang Probinsyano Party-list sa Bicol kamakailan.

Sa pangunguna ng action superstar na si Coco Martin, tinungo ng Ang Probinsyano Party-list ang mga kaba­yanan sa nasabing lala­wigan kung saan dinu­mog sila ng mga sumu­suportang Bikolano.

Kasing init ng sikat ng araw ang pagsalubong ng mga residente ng Bacacay kina Coco at Ang Pro­binsyano team nang dumating sila sa Bacacay Municipal Park.

Hindi nabigo ang libo-libong residente ng Baca­cay dahil sa kasayahang dala nila Coco Martin at rappers na sina Smugglaz at Bassilyo.

Sa Nabua, Camarines Sur, isang bahagi ng Maharlika highway ang kinailangang isara dahil sa kapal ng mga taong nag-abang para salu­bungin sina Coco at ang Ang Probinsyano Party-list.

Pagdating sa Pola­ngui Public Plaza ay nag-uumapaw rin ng mga residenteng supporters ng Ang Probinsyano Party-list.

Siksikan naman sa Ligao Public Plaza ang mga libo-libong residente para lang maipakita ang kanilang suporta sa ka­nilang idolo.

Nagtapos ang pagbi­sita ng Ang Probinsyano Party-list sa Bikol sa isang malaking rally sa Lapu-Lapu Avenue ng Ayala Malls sa Legazpi City at umapela si Coco sa mga Bikolano na piliin ang Ang Probinsyano bilang party-list nila sa halalan sa 13 Mayo.

Ang pagsuporta ng mga taga-Bikol kina Coco Martin at Ang Probin­syano Party-list sa kam­panya nito sa Bikol ay naganap kahit naghintay sila nang ilang oras sa pagdating ng kanilang idolo.

Samantala, kinai­langan bumalik ng May­nila ang eroplanong lulan ang aktor dahil hindi makalapag sa lakas ng hangin at kapal ng ulap sa Legazpi airport.

Samantala, natuloy ang motorcade ng Ang Probinsyano Party-list mula Legazpi papunta sa mga bayan ng Daraga, Bacacay at Guinobatan bago tumuloy sa Nabua.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

ISANG grupo ng tricycle drivers mula sa Taguig ang nagsumite ng ulat sa Commission on …

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *