Friday , April 18 2025

Enrile: ‘Rule of force’ nananaig sa West Philippine Sea

SA GITNA ng naval parade sa Qingdao ngayong linggo na tinatayang pinakamalaking eksibisyon ng China upang ipakita ang kakayahang pandagat, ipinaalala ni dating Defense Minister at kandidato para sa Senado na si Juan Ponce Enrile na ang nananaig na batas sa West Philippine Sea ay pamamahala base sa puwersa.

Ani Enrile, naghahangad ng ikalimang termino sa Senado sa darating na halalan, ang mahalaga sa kalakaran sa gitna ng mga bansa ay kakayahang militar.

“Because among nations, it is what they call a Hobbesian society. It is the rule of force rather than the rule of law [that matters],” paliwanag ni Enrile.

Sa isyu ng West Philippine Sea, ang mananalo sa pagtatalo ay dedepende sa kung “ilan ba ang mga barko mo, ilan ba ang fighter jets mo, ilan ba ang sundalo mo,” ayon kay Enrile.

Sa isang panayam, sinabi ni Enrile na iba ang “territorial waters” ng bansa at iba sa sinasabing “core territory.”

Aniya, ang kinilala ng United Nations (UN) Convention on the Law of the Seas ay “territorial waters” ng Filipinas na aabot nang 200 miles mula sa ating mga dalampasigan. Sa loob ng zone na ito, may tinatawag na “exclusive economic zone” ang bansa.

“Lahat ng isda riyan, lahat ng minerals diyan sa ilalim ng tubig na ‘yan, we have the economic right not the political right,” paliwanag ni Enrile.

Dagdag ni Enrile, ang naipanalo ng Filipinas sa korte ng UN ay karapatan upang gamitin ang nasabing economic zone, ngunit hindi ibig sabihin nito na may ganap na pag-aari na ang Filipinas sa pinagtatalunang lugar.

“It’s not part of the territory of the Philippines,” pahayag ni Enrile.

“Totoo ‘yan na mayroon tayong right diyan, pero ang kuwestiyon, can we enforce it?” tanong ng dating Senate President na siya rin nag-akda ng Philippine baseline law.

”If not, you have to bow to the powerful,” aniya. (JG)

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *