Saturday , November 16 2024

P1-B pork ni Bingbong hinahanap ng Kampil

HINAMON ng Kalipu­nan ng Masang Pilipino-QC chapter si 1st district Congressman Bingbong Crisologo na ilantad sa publiko kung saan napunta ang halos P1 bilyong pork barrel nito magmula nang maging mambabatas.

Ayon kay Ariel Casing, QC Kampil vice chairman, puro arkong bato lamang na may higanteng pangalan ni Crisologo ang nakikita ng publiko sa kanyang distrito.

Bukod dito, may waiting shades din na tadtad ng pangalan ni Crisologo ngunit dila­pidated at hindi na pinakikinabangan ng tao dahil mga dis­paling­hadong mater­yales.

Tahasang sinabi ng Kampil official na mag­mula 2004 hanggang 2013 ay naging kongre­sista na si Crisolo at muli itong bumalik sa posisyon noong 2016 hanggang sa kasalukuyan.

“Ibig sabihin, 15 years nang kinatawan ng unang distrito si Crisologo na nakahawak ng mahigit P1 bilyong pork barrel, tanong, ano ang ginawa niya sa pondo?” sabi ni Casing.

Taon-taon, may P80 milyon budget allocation ang district representative o P240 milyon sa loob ng tatlong taon. Tinukoy din ng Kampil ang pagka­kasangkot ni Crisologo sa mala-Napoles pork scam matapos maglaan ng P8 milyon sa bogus na NGO noong 2009.

Si Crisologo ay kinasuhan na ng Om­budsman kaugnay ng pagbibigay ng pondo sa Kalookan Assistance Council Incorporated (KACI) na isang bogus na NGO.

“Ipaliwanag niya, gaano karaming KACI ang nakinabang sa kan­yang pondo bago siya mambola ng mga mama­mayan ng QC,” ani Casing.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *