Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PH daragsain ng celsite towers

TIYAK na darami pa ang celsite tower sa bansa matapos payagan ng House committee on information, com­munications and technology na papasukin ang 19 investors sa pagpapatayo ng “common tower” para sa telcos.

Hindi pumayag ang mga miyembro ng komite na dalawang kompanya lamang ang magpa­pata­yo ng mga tower ayon kay Presidential Adviser on Economic Affairs na si Secretary Ramon Jacinto.

Hindi sinipot ni Jacin­to ang pagdinig kahapon sa Kamara patungkol sa cellsite towers.

Ayon sa Officer-in-Charge ng Department of Information, Commu­nications and Technology (DICT) Eliseo Rio, nalu­saw na ang kagustuhan ni Jacinto.

“Wala na, nakaku­wan na ‘yun, we are also talking with the Pre­sidential Adviser Ramon Jacinto na more or less say, ‘yung two tower niya, he softened up already, on that issue,” ani Rio na dumalo sa pagdinig ka­ha­­pon.

Ayon kay Rio, 19 kom­panya na ang lumag­da sa memo­randum of understanding (MOU) sa DICT para magtayo ng towers na lima 5 rito ay lokal habang ang 14 ay mula sa mga dayuhan.

“The PCC (Philippine Competition Commission (PCC) agrees that there should more as proposed to Secretry Jacinto that there should only be two,” ani 1PACMAN party-list Rep. Enrico Pineda.

Ayon kay Rio, 50,000 towers ang kailangan ng bansa.

Aniya, 18,000 tore lamang ang itinayo ng Smart at Globe sa buong bansa.

Sinabi rin ni Rio na bukas na rin ang telcos na magkaroon ng sharing sa kanilang tower na uma­abot sa 500 sites habang 500 sa government sites na pagtatayuan ng com­mon towers.

“In fact DICT lang, we have about 180 towers na nakatayo na but hindi nagagamit. These one, we are going to offer as common towers,” ani Rio.

Paliwanag ni Rio, ang mga provider ng serbisyo at ang may-ari ng mga tower ang mag-uusap kung magkano ang renta ng mga tower nila.

Dagdag ni Rio, ma­aring rentahan ito ng USD 2000 kada buwan.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …