Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mahika ni FPJ, walang kupas kay Grace Poe

KAHIT matagal nang namayapa ang tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr., hindi naman kumukupas ang kanyang mahika sa pag-iikot ni Sen. Grace Poe sa mga kana­yu­nan.

Sa pagbisita ni Sen. Poe sa Lucena City kamakailan, mainit siyang sinalubong ng mga residente roon lalo ng mga tagahanga ng kanyang namayapang ama.

Halos maiyak pa ang iba nang makapiling nila ang anak ni Da King at ikinuwento na hindi sila pumapalya sa panonood ng ‘Ang Probinsiyano,’ ang tele­serye na hango sa pelikula ni FPJ.

Ilang tindera ng New Lucena Market ang iniwan ang kanilang puwesto para makita si Sen. Poe.

Sabi nila, kahit wala silang benta ay masaya naman sila na makasalamuha ang senadora.

Matatandaan na tumakbo noong 2004 presidential elections si FPJ ngunit tinalo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Makalipas ang 15 taon, patuloy na nani­nindigan si Sen. Poe na ninakaw ang presidency sa kanyang ama.

Sinabi ni Poe na nag-iingat siya sa mga desisyon sa politika dahil bitbit niya ang reputasyon ng kanyang ama kaya’t ayaw niya itong dungisan.

Ayon naman kay political strategist Perry Callanta ng STORM, malakas pa rin ang mahika ni FPJ kaya laging nangunguna si Sen. Poe sa halos lahat ng lumabas na survey.

Ganito rin ang opinyon ng isa pang political strategist na si Janet Porter ng Cavite na nagsa­bing kahit matagal nang yumao si FPJ ay buhay na buhay sa alaala ng mga botante ang kada­kilaan nito sa mga pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …