Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
SINA Coco Martn at Brian Poe sa harap ng Danao City Hall.

Grace Poe, inendoso ni Coco Martin

INENDOSO ng sikat na aktor na si Coco Martin ang kandidatura ng reeleksiyonistang si Sen. Grace Poe sa paglahok sa motorcade kasama ang pa­nga­nay ng senadora na si Brian sa “Queen City of the South” nitong Linggo, 31 Marso sa mga bayan  ng Dumanjug, Santander at Tuburan at Danao City.

“Hinihingi ko po sana sa inyo ang suporta, dahil sa sobrang pagmamahal ko sa taong ito at itinuturing kong ate. Ang isa sa mga taong pina­pakinggan ko at gumagabay sa akin — si Grace Poe,” sabi ni Martin sa mga taong nagtipon-tipon sa harap ng City Hall ng Danao.

Ito ang unang pagkakataon na hayagang inendoso ni Martin ang senatorial bid ni Poe pero tumanyag siya sa adaptasyon sa telebisyon ng pelikula ni Fer­nando Poe Jr., na “Ang Pro­binsyano” na pumatok sa takilya noong 1997.

Ginampanan ni Martin ang papel ni Ricardo Dalisay sa toprating TV series at co-star niya ang ina ni Poe na si Susan Roces sa papel na Lola Flora o Lola Kap.

Inendoso rin ng aktor na binansagang “The King of Philippine Independent Films” ang nagbabalik na kumandi­datong si dating senador Lito Lapid na may papel din sa “Ang Probinsyano” na si Romulo Dumaguit o Pinuno.

Nagpasalamat si Brian kay Martin sa lubos na suporta sa kanyang ina dahil itinuturing niya itong “kapatid” at malapit na kaibigan ng pamilya Poe.

Nagsadya si Poe sa Sor­sogon para dumalo sa pro­klamasyon ng kaibigang si Sen. Francis Joseph “Chiz” Escu­dero na tumatakbong gober­nador ng lalawigan, bago nag­deretso sa Cebu para mangam­panya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …