HINDI talaga kayang pagtakpan ng ‘propaganda’ ang hindi nalulutas na iregularidad sa bakuran ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Kahit naman anong paliwanag ang sabihin ng PCSO officials na nalutas na nila ang isyung ang Small Town Lottery (STL) ay front lang ng jueteng, walang maniniwala rito dahil ramdam na ramdam na mayroon pang jueteng.
Huwag na tayong lumayo. Diyan lang sa south Metro, ilang beses na nating pinuna ang reklamong hindi nagre-remit ang Happy Cool, isang kompanyang may prankisa ng STL.
Sa Bicol Region at sa Visayas region, hindi ba’t ganyan din ang reklamo?! Walang remittances na natatanggap ang PCSO mula sa mga kompanyang binigyan nila ng prankisa.
E kung ganyan din naman ang nangyayari, bakit kailangan pang magbigay ng prankisa sa mga pribadong kompanya?!
Bakit hindi gobyerno na lang ang magpatakbo ng STL at direktang mag-ulat sa pamahalaan?!
Ano ang silbi ng mga opisyal ng PCSO kung hindi rin nila nababantayan ang remittances ng STL na para sa gobyerno?!
Ang daming opisyal ang pinasusuweldo ng PCSO bukod pa sa per diem kapag mayroon silang mga meeting tapos hindi kayang i-consolidate ang kita ng gobyerno mula sa STL?!
Wattafak!
Panahon na talaga siguro para kanselahin ang pagbibigay ng prankisa ng STL sa mga pribadong kompanya.
Umpisahan na ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap